A new name and a new look starting July 9. iWant officially rolls out its revamped streaming platform, introducing its brand new look and a sleeker interface that places “Filipino feels” at the heart of streaming favorite shows, movies, and live content across all devices.
Tampok ang launching event na “Museum of Filipino Feels” kasama sina Donny Pangilinan, Emilio Daez, at iba pang Kapamilya stars at directors
Bagong mukha at mas pinalawak na pagpipilian ng mga inaabangang palabas mula telebisyon, pelikula, at online series ang hatid ng bagong iWant, ang “Home of Filipino Feels,” simula Hulyo 9.
Pinangunahan ni ABS-CBN Digital head Jamie Lopez, kasama sina President at CEO Carlo Katigbak at COO Cory Vidanes, ang paglulunsad ng bagong iWant sa brand event nito na “Unlock Your Feels: The New iWant Experience” na layong gawing mas available ang mga paboritong palabas saan man sa mundo hatid ng proudly Pinoy-made na streaming platform.
Binigyang-diin ni Digital head Jamie ang mas malalim na misyon ng iWant na maging kasama ng mga Pilipino sa bawat kwento ng kanilang buhay.
Aniya, “As your digital home, iWant is where the stories you love meet all the feels you live. A place where we welcome all storytellers and all types of storytelling. Somewhere that we can all be proud of, but most importantly, where we will continue to be of service to the Filipino.”
Ini-reveal naman ni iWant head Jolly Estaris ang bagong-bagong itsura ng iWant app tampok ang mas mabilis na loading at mas malinaw na mga bidyo na available na sa smart TVs, smartphones, tablets, at computers.
Tampok sa paglulunsad ng bagong iWant ang isang brand event at mala-museong pakulo na tinawag na “Museum of Filipino Feels,” kung saan itinampok ang mga trending at pinakapinag-usapang palabas sa iWant.
Kasama sa event ang cast ng “Love at First Spike” na sina Emilio Daez, Reign Parani, Sean Tristan, River Joseph, Andi Abaya, Dylan Yturralde, at Lance Reblando at Kapamilya stars na sina Shanaia Gomez and Kaori Oinuma na bibida sa aabangang iWant Originals series.
Nakiisa rin si Kapamilya star Donny Pangilinan at batikang Pinoy directors na sina Ivan Payawal, Red Ollero, at Rodina Singh kasama ang broadcast journalist na si Jeff Canoy na nagbahagi ng kanilang bago at upcoming series na eksklusibong mapapanood sa iWant.
Bukod sa mga content mula sa ABS-CBN Studios, hatid na rin ng iWant ang mga palabas mula sa GMA (available sa labas ng Pilipinas), Regal Entertainment, at Viva, kasabay ng iWant Originals at exclusives tulad ng upcoming series na “Ghosting” nila Fyang Smith at JM Ibarra, “MMK” Director’s Cut, at BINI Docuseries.
Ngayong darating na Setyembre, mapapanood din ang “BINI World Tour Stories” kasama ang mga dokumentaryo hatid ng ABS-CBN News and Current Affairs, at mga palabas mula sa partner producers tulad ng MavX, The Fat Kid Inside, Project 8, Nathan Studios, Kinetec, at iba pa.
I-update na ang inyong iWant app para ma-enjoy ang pinakabagong streaming experience na ngayon ay available na sa smartphones, smart TVs, tablets, at computers.
Sa abot kayang halaga na P35 kada buwan, matutuwa na ang mga pamilya sa panonood ng eksklusibong mga palabas hatid ng iWant saan man sa mundo. Available rin ang iWant via Chromecast at AirPlay.
Para sa ibang detalye tungkol sa iWant, i-follow ang official pages nito sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.