Kathryn at Vice, kinilala ang husay
Nag-uwi ng parangal ang ABS-CBN Films para sa movie stars nito sa 73rd Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards na ginanap kamakailan.
Naiuwi ni “It’s Showtime” host, Vice Ganda, ang Best Actor na tropeyo para sa kanyang husay bilang Bambi Salvador, isang OFW base sa Taiwan na pineke ang kanyang pagkamatay upang makatulong sa kanyang pamilya na baon sa utang sa comedy-drama na “And the Breadwinner Is…,” ang top-grossing na pelikula sa 2024 Metro Manila Film Festival matapos kumita ng higit P400 milyon sa takilya.
Tinanggap naman ni box-office queen, Kathryn Bernardo, ang Bida sa Takilya na pagkilala para sa “Hello, Love, Again” na binansagang highest-grossing Philippine film of all time matapos kumita ng P1.6 bilyon sa takilya. Muling ginampanan ni Kathryn ang role na Joy, isang domestic helper sa Canada na nasa isang long-distance relationship sa isa pang OFW na si Ethan, na base naman sa Hong Kong.
Para sa updates sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.