News Releases

English | Tagalog

Mananatili sa tahanan: Belle, muling pumirma ng kontrata sa ABS-CBN

August 19, 2025 AT 02:59 PM

Bagong album, pelikulang “Meet, Greet & Bye,”  dapat abangan!

Nananatiling proud Kapamilya ang new gen phenomenal aktres at singer na si Belle Mariano matapos muling pumirma ng kontrata sa ABS-CBN sa naganap na “Forever Kapamilya: Born To Shine” contract signing event noong Lunes (Ago. 18).

“I’d just like to thank each and everyone of you who champions me. Maraming salamat po to our ABS-CBN bosses, thank you for making ABS-CBN a home for me. To everyone who’s been supportive of my journey, I dedicate all these years for you,” saad niya.

Dumalo sa contract signing sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, COO Cory Vidanes, group CFO Rick Tan, entertainment production at Star Magic head Laurenti Dyogi, at Star Magic manager Edith Fariñas.

Binalikan din ng Kapamilya artist ang naging karanasan sa loob ng 14 na taon niya sa industriya mula sa pagiging child aktres hanggang sa maging isa sa matatagumpay na aktres ng kanyang henerasyon.

“Don’t let your fear stop you from pursuing what you love doing. Yes, you will fall but you will also rise. Just keep believing and have the heart and faith in you because you will achieve great things and you are capable of many things,” ani Belle.

Kasabay nito, inanunsyo rin ang bagong proyekto na aabangan mula kay Belle na huling napanood sa “Can’t Buy Me Love” at “How To Spot A Red Flag” series noong nakaraang taon. Pangungunahan niya ang Star Cinema film na “Meet, Greet & Bye” kasama sina Piolo Pascual, Joshua Garcia, Juan Karlos Labajo, at Maricel Soriano.

Nakatakda rin siyang maglunsad ng bagong album sa ilalim ng record label na StarPop, na susundan ang mga patok niyang album na  “Daylight,” “Somber,” “And Solemn,” at “Believe.” 

Balikan ang “Forever Kapamilya: Born To Shine” contract signing ni Belle Mariano na napapanood sa Star Magic YouTube channel. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE