News Releases

English | Tagalog

BINI nagdiwang ng "Here With You" homecoming fanmeet sa MOA Arena

July 02, 2025 AT 08:52 AM

Pagkatapos ng kanilang 15-stop “BINIverse World Tour” 

Mula sa kanilang 15-stop “BINIverse World Tour,” nagdiwang ang nation’s girl group na BINI ng kanilang “Here With You: BINI Homecoming Fan Meet” sa MOA Arena noong Linggo (Hunyo 29) na dinagsa ng BLOOMs. 

Isang eksklusibong handog para sa BINI Global members ang “Here With You” kung saan nagbahagi ng world tour highlights ang BINI members na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena sa kanilang fans, mula sa tour bus experience nila hanggang sa kanilang mga ‘di malilimutang moments. 

“Aside from the concert, sobrang saya kasi hindi namin inakala na aside from Filipino BLOOMs, nakakita kami ng non-Filipino BLOOMs, and it just shows na our music crosses borders. Hindi ako makapaniwala na may international BLOOMs singing our songs. Sobrang grateful,” kwentoi ni Maloi sa naging karanasan nila sa London. 

Inawit ng BINI ang“Cherry On Top,” “Zero Pressure,” 8,” “Out Of My Head,” at “Here With You” sa naganap na homecoming event. Nag-perform din ang grupo kasama ang 100 BLOOMs na napiling magsayaw ng kanilang tour single na “Shagidi.” 

Bukod sa nakakagiliw na performances, fan surprises, at pasalubong, nagkaroon din ang BINI ng pagkakataon na ma-turnover ang portion ng kinita nila sa BINI beanies sa ABS-CBN Foundation na nagkakahalaga ng P362,453.50. 

Ipinasilip din ng grupo ang kanilang upcoming projects–ang makeup line na tatawaging BINI Cosmetics at “BINIverse World Tour Stories” na mapapanood sa iWant simula Setyembre. 

Pinangunahan nina Robi Domingo, Milo Elmido Jr., at Emilio Daez bilang hosts ang “Here With You: BINI Homecoming FanMeet” na nagtampok din sa Zpectrum PH at Overheat at kina Kolette Madelo, Rain Celmar, at Jarren Garcia sa pre-show. Nagpakitang gilas din dito ang BINIkada. 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE