News Releases

English | Tagalog

“PBB ColLove” mapapanood nang live saan man sa mundo sa iWant

August 05, 2025 AT 05:04 PM

Mapapanood na ng team bahay at team live ang kanilang paboritong “PBB Collab” Kapamilya at Kapuso housemates sa inaabangang reunion ng taon hatid ng “PBB Collove” ngayong Linggo (Agosto 10) na eksklusibong mapapanood sa iWant.

 

Tampok sa “PBB Collove” ang gabing puno ng pasabog performances, kulitan, at OA na pagmamahal ng housemates para sa kanilang fans worldwide.

 

Sa halagang P199 sa Pilipinas at $3.99 sa ibang bansa, puwede ka nang maki-party sa “PBB Collove” via tickets.iWantTFC.com.

 

Mapapanood sa iWantTickets ang star-studded na concert sa Pilipinas, USA, Canada, UK, Australia, Japan, Hong Kong, Singapore, UAE, Saudi Arabia, New Zealand, Taiwan, Germany, at Italy.

 

Bida sa concert ang “PBB Collab” Big Winner BREKA (Brent Manalo at Mika Salamanca), kasama sina Second Big Placer RAWI (Ralph De Leon at Will Ashley), Third Big Placer CHARES (Charlie Flemming at Esnyr Ranollo), at Fourth Big Placer AZVER (AZ Martinez at River Joseph), hatid ang kilig, kantahan, at fun moments.

 

Kasama rin sa lineup ang mga celebrity housemates at performers mula sa parehong network gaya nina Dustin Yu, Bianca de Vera, Klarisse de Guzman, Shuvee Etrata, Vince Maristela, Xyriel Manabat, Emilio Daez, Michael Sager, Kira Balinger, Josh Ford, AC Bonifacio, Ashley Ortega, at iba pang surprise guests.

 

Huwag palampasin ang ultimate fan bonding experience sa “PBB Collove,” ngayong Linggo (Agosto 10), live na live sa iWantTickets!

 

I-download ang iWant mula sa Google Play o Apple Store at damhin ang lahat ng feels hatid ng favorite shows mo! Available rin ang iWant via Chromecast at AirPlay.

 

Para sa ibang detalye tungkol sa iWant, i-follow ang official pages nito sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE