A young contestant instantly captured hearts and made waves online after expressing his interest in being adopted by his idol, Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, in the first two episodes of the debut season of “Idol Kids Philippines.”
Tampok din ang galing at husay ng iba pang kiddie hopefuls sa pilot weekend ng “Idol Kids Philippines”
Kinaaliwan at trending online ang kwentuhan kasama ang isang kiddie hopeful na gustong sumama at magpa-ampon kay Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa unang dalawang episode ng kauna-unahang “Idol Kids Philippines.”
Pinusuan ang kwentuhan kasama si kiddie hopeful Gab, pitong taong gulang mula Parañaque City, na gustong sumama at magpa-ampon kay idol judge Regine. Umani na ito ng mahigit 11 million views online.
Pasok sa next level ng kompetisyon si kiddie hopeful Gab na nagpamalas ng tagos sa pusong bersyon ng “Kumusta Ka.”
Isa rin sa mga pinakapinag-usapang kiddie hopeful ay si Alexa, siyam na taong gulang mula Laguna, na humakot ng papuri mula sa mga hurado dahil sa kanyang high-energy na bersyon ng “Nosi Balasi.” Nakakuha si Alexa ng apat na “yes” mula sa mga hurado at tuluyang uusad sa susunod na round.
Hinangaan din ng netizens si kiddie hopeful Liam, pitong taong gulang mula Sta. Cruz, Laguna, sa kanyang bersyon ng kantang “Buwan” ni idol judge Juan Karlos. Siya ang unang kiddie hopeful na napakinggan ng judges at unang nakakuha ng apat na “yes.” Nagkaroon din siya ng biglaang duet kasama mismo ang kanyang idolo na si Juan Karlos.
Kumurot naman sa puso ng madla ang kwento ni kiddie hopeful Kiefer, pitong taong gulang mula Pangasinan, na umawit ng “May Bukas Pa” upang matulungan ang kanyang ama na nangangailangan ng prosthetic eye.
Hindi man pinalad na makapasok sa susunod na round, labis na naantig ang idol judges sa kanyang kwento at nangakong sasagutin ang gastos para sa prosthetic eye ng kanyang ama.
Samantala, inabangan at tinutukan ng netizens online ang pilot episode ng “Idol Kids Philippines” na nakapagtala ng mahigit 270,000 na bilang ng sabay-sabay na nanonood noong Sabado (Hunyo 28) at Linggo (Hunyo 29).
Samahan ang kiddie hopefuls sa pagkamit ng kanilang mga pangarap sa “Idol Kids Philippines” tuwing Sabado at Linggo, 7:15pm hanggang 8:30pm sa Kapamilya Channel, A2Z, at Kapamilya Online Live, at 8pm hanggang 9:15pm sa TV5.
Para sa ibang detalye tungkol sa “Idol Philippines,” i-follow ang official pages nito sa Facebook, X, Instagram, at YouTube.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.