News Releases

English | Tagalog

Joshua, unti-unti nang lalambot ang puso kay Anne sa Pinoy adaptation ng "It's Okay to Not Be Okay"

August 26, 2025 AT 01:29 PM

Kaabang-abang na ang bawat eksena sa isa sa most-watched series sa Netflix PH na “It’s Okay To Not Be Okay” lalo pa at ibinunyag ni Joshua Garcia na malapit ng lumambot ang puso ng kanyang karakter na si Patrick kay Mia (Anne Curtis). 

 

Ngayong linggo, makikita ng manonood na hindi na natiis ni Patrick si Mia at hinabol niya ito sa ulan matapos ng hindi nila pagkakaunawaan. 

 

Paliwanag ni Joshua na may dahilan naman ang kanyang karakter kung bakit umiiwas sa karakter ni Anne. Aniya, mabigat kasi ang pinagdaanan ng kanyang karakter at labis niya itong pinaghandaan. 

 

“Ang bigat kasi ng dinadala ng karakter ko dito. Pasan niya yung mundo, yung kapatid niya, yung hustisya sa nanay niya pati yung gusto niya nung bata siya,” saad ng Kapamilya actor. 

 

Bukod kay Joshua, labis din ang naging paghahanda ng ibang cast members na sina Kaori Oinuma,  Xyriel Manabat, Maricel Laxa, Sharmaine Suarez, Michael de Mesa, Albie Casino, Ana Abad Santos, Alora Sasam, Bianca de Vera,Louise Abuel Mark Oblea, at Alyssa Muhlach para sa kanilang roles. Dumaan sila sa seminars kasama ang ilang psychiatrists para mas mapaintindi sa kanila ang kanilang roles bilang pasyente at doctors sa serye. 

 

Inisplook din ng creative head ng serye na si Henry Quitain na importante ang bawat storya ng pasyente lalo pa at makaka-apekto din ito sa buhay nina Patrick, Mat-Mat (Carlo Aquino), at Mia (Anne Curtis). 

 

Samantala, mas kilalanin din ang iba pang karakter sa serye na ginagampanan nina Carlo Aquino, Bodjie Pascua, Rio Locsin, Francis Magundayao, Bobot Mortiz, Agot Isidro, Enchong Dee,at  JV Kapunan.

 

Tutukan ang kaabang-abang na episodes  ng “It’s Okay to Not Be Okay” tuwing weeknights simula 8:45 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, TFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Panoorin ito in advance sa Netflix at iWantTFC.

 

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at Tiktok o bisitahin ang https://corporate.abs-cbn.com/newsroom/news-releases.


PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Joshua, unti-unti nang lalambot ang puso kay Anne sa Pinoy adaptation ng "It's Okay to Not Be Okay"