Unang YouTube original movie ng ABS-CBN, #1 din sa iWant
Patok na patok sa online world ang kilig na handog nina Anji Salvacion at Gelo Rivera sa unang YouTube original movie ng ABS-CBN na “The Four Bad Boys and Me” matapos itong magtala ng isang milyong views sa naturang platform sa loob lamang ng apat na araw at trending din ito sa Pilipinas sa X.
Numero uno rin ang pelikula sa iWant kung saan pinagbibidahan din ito nina Harvey Bautista, Dustine Mayores, at River Joseph.
Inulan ng papuri ang pelikula, na hango sa sikat na Wattpad novel ng blue_maiden, para sa overload na good vibes at kilig na napapanood dito. Ayon sa mga manonood, swak na swak ang high school feels nito at napapabalik sila sa mga panahong teenager pa sila.
Pinuri ito ng movie review page na Maganda Ba? at sinabing, “It’s that kind of feel-good flick that reminds us all of our own teenage stories… sweet, awkward, funny, and a little bit magical.”
Magagandang salita rin ang ibinahagi ng entertainment blog na LionHearTV para sa nakakakilig na tambalan nina Anji at Gelo.
“Anji dives deep into Candice’s character, bringing to life every shy, awkward, and ultimately endearing facet with remarkable sincerity. Together, Salvacion and Rivera spark a chemistry so palpable, so utterly kilig-inducing,” post ng LionHearTV.
Umani rin ng papuri ang Kapamilya rising stars na sina Brent Manalo, AC Bonifacio, Analain Salvador, Gela Alonte, at Krystal Brimner.
Umiikot ang kwento ng “The Four Bad Boys and Me” kay Candice (Anji), ang dakilang loner na high school senior. Sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang magiging exciting ang simple niyang buhay dahil magiging tropa niya ang pinakasikat na bad boys ng campus na sina Jeydon (Gelo), Troy (Dustine), Marky (Harvey), at Charles (River).
Libreng napapanood ang “The Four Bad Boys and Me,” na mula sa direksyon ni Benedict Mique, sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.
Para sa updates sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, and TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.