KimPau, tampok sa “The Alibi,” Vice at Nadine, may comeback movie!
Limang bagong palabas at dalawang star-studded na pelikula ang handog ng ABS-CBN sa mga manonood sa susunod na mga buwan.
Hindi dapat palagpasin ng fans ang romance-suspense drama na “The Alibi,” na pagbibidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino, ang “Roja” kasama sina Donny Pangilinan at Kyle Echarri, at ang “What Lies Beneath” na may star-studded cast na kinabibilangan nina Charlie Dizon, Jake Cuenca, Janella Salvador, JM De Guzman, Kaila Estrada, at Sue Ramirez.
Hatid naman ng Star Cinema ang nakakaantig na family drama na “Meet, Greet & Bye” na pagbibidahan nina Maricel Soriano, Piolo Pascual, Joshua Garcia, Belle Mariano, at Juan Karlos. Muli namang magsasama si Vice Ganda at Nadine Lustre sa pelikulang “Call Me Mother,” ang opisyal na entry ng ABS-CBN Films sa 2025 Metro Manila Film Festival.
Magbabalik din ang mga kinagiliwang Kapamilya show, tulad ng hit reality competition na “Your Face Sounds Familiar” kasama ang mga bagong host na sina Jhong Hilario at Vhong Navarro, at ang fan-favorite game show na “Kapamilya Deal or No Deal” na pangungunahan ni Luis Manzano.
Unang inanunsyo ang mga bagong palabas ng ABS-CBN sa “Iisang Tahanan: Kapamilya Forever” trade series, kung saan nagbigay-pugay ang Kapamilya network sa mga partners nito kung saan natunghayan nila ang live performances nina Regine Velasquez-Alcasid, Ogie Alcasid, BINI, BGYO, Darren Espanto, Maymay Entrata, Maki, WRIVE, at marami pang iba.
Nakiisa rin sa selebrasyon ang ilang Kapamilya artists tulad ni Primetime King Coco Martin ng “FPJ’s Batang Quiapo,” Julia Montes ng “Saving Grace,” Anne Curtis at Enchong Dee ng “It’s Okay To Not Be Okay,” pati na rin sina Gerald Anderson, Jessy Mendiola, Francine Diaz, at Seth Fedelin ng “Sins of the Father.” Dumalo rin ang ilang personalities mula sa ABS-CBN News upang magpasalamat sa mainit na suporta ng brand partners tulad nina Rico Hizon, Karmina Constantino, Jeff Canoy, MJ Felipe, at iba pa.
“We have collaborated with so many entities, both on TV and digital, that we now have a complete product portfolio that can take on any of their brands’ challenges and can fulfill any of their brands’ needs—whether on air, on ground, online, on the big screen, or even on the go,” saad ni ABS-CBN head of Sales August Benitez.
For updates, follow @abscbnpr on Facebook, X (Twitter), Instagram, and TikTok or visit corporate.abs-cbn.com/newsroom/news-releases.