Daniel Padilla, wagi! “Saving Grace,” nominado!
Patuloy na kinikilala ang ABS-CBN sa buong mundo matapos itong umani ng panalo at nominasyon sa 2025 Seoul International Drama Awards (SDA).
Pinangalanan si Daniel Padilla, isa sa mga bida ng action-thriller na “Incognito,” bilang Outstanding Asian Star para sa kanyang husay sa pagganap bilang Andres, isang dating sundalo na sumali ng isang pribadong kumpanya ng militar para hanapin ang nawawalang kapatid.
Samantala, nominado rin para sa Best Drama Series at Best Screenwriter ang “Saving Grace,” ang kauna-unahang adaptation ng ABS-CBN ng isang Japanese Nippon TV series. Hango sa kwento ng “Mother,” at pinagbibidahan nina Julia Montes, Sharon Cuneta, at child star na si Zia Grace, ang serye ay tungkol sa madamdaming kuwento ng isang guro na ginawa ang lahat upang mailigtas ang estudyanteng inaabuso ng kanyang magulang.
Ang SDA ay binibigyang pagkilala ang mga huwaran sa telebisyon sa buong mundo. Ang mga magwawagi ay opisyal na kikilalanin sa Oktubre 2 sa Seoul, South Korea.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.