News Releases

English | Tagalog

“Pinoy Media Congress: Training the Teachers” ng ABS-CBN, wagi ng Philippine Quill Award

August 28, 2025 AT 11:57 AM

Training program para sa 100 guro, kinilala!

Nag-uwi ng karangalan ang ABS-CBN para sa natatangi nitong programang pang-edukasyon, ang “Pinoy Media Congress: Training the Teachers,” sa 21st Philippine Quill Awards na ginanap kamakailan.

Inilunsad katuwang ang Philippine Association of Communication Educators (PACE), tumanggap ng pagkilala ang programa para sa kategoryang Communication Training and Education para sa pagbibigay kaalaman sa halos 100 guro ng komunikasyon sa paggawa ng balita, pelikula, at programa, digital media, marketing, research, at creative communications.

Ginanap noong 2024, ang dalawang araw na pagtitipon ay nagbigay daan upang mas lumalim ang kaalaman ng mga guro, na patuloy na humuhubog sa susunod na henerasyon ng communication at media professionals, sa tulong ng mga batikang eksperto ng ABS-CBN.

“Nagpapasalamat kami sa IABC Philippines para sa parangal na ito, at sa PACE na aming naging katuwang mula 2005,” pahayag ni ABS-CBN head of Corporate Communications Kane Errol Choa.

Itinatag noong 2005, ang “Pinoy Media Congress” ang pinakamalaking pagtitipon ng mga mag-aaral, guro, media at communication professionals sa bansa.

Ang Philippine Quill Awards ng International Association of Business Communicators (IABC) Philippines, ay kumikilala sa mga natatanging communication programs sa bansa.

Para sa updates sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE