Hackers, human traffickers, at iba pang scammer, gagampanan ng mga bagong karakter
Mas masasalimuot na scam at madidilim na katotohanan ang ibubunyag ni Gerald Anderson sa bago at mas maaksyong yugto ng ABS-CBN crime action-drama na “Sins of the Father.”
“As an actor, mas mahirap siya kasi alam mo yung pressure na bitbit mo dahil maraming makaka-relate at dumaan sa ganitong sitwasyon kaya it inspires me more na pagbutihin yung ginagawa ko,” saad ni Gerald tungkol sa realidad ng mga biktima ng scams.
Pinasok na rin ng action-drama royalty ang pagiging direktor ng maaksyong 1 vs. 100 fight scene habang isinisiwalat ang malalaking scam gaya ng money lending schemes, human trafficking, at employment fraud. Patuloy rin na nangunguna ang serye bilang most watched show sa iWant.
“Never ko naisip na magiging direktor ako and at the same time I didn’t aspire to be an actor. But when an opportunity that is so good is handed to you, I try my best to learn from our directors. Mas tumaas yung respeto ko sa kanila because it’s not an easy job. I enjoyed my experience and I’ve learned a lot in this whole process,” ani Gerald.
Pinuri rin ng isa sa mga direktor ng programa na si Direk FM Reyes ang dedikasyon ni Gerald bilang aktor at direktor.
Sabi niya, “Working with Gerald, he is very generous. Kapag binigyan mo siya ng konsepto, he will work and contribute more. Nakatutok ako sa characterization kaya tinitingnan ko kung yung katrabaho ko ay brilliant enough to get all the instructions and I’m impressed with him. That kind of attitude makes it easier to work with him.”
Higit na magiging kaabang-abang ang bagong season sa pagpasok ng bagong cast na sina Barbie Imperial, Binsoy Namoca, Dylan Yturralde, Eric Fructuoso, Joel Saracho, Junjun Quintana, Kolette Madelo, Lei Ang, Manuel Chua, Mel Martinez, Melissa Mendez, Reign Parani, Simon Ibarra, Zeppi Borromeo, at River Joseph.
Gaganap si Barbie bilang breadwinner na magiging casino dealer kasama si Reign habang sina Binsoy, Dylan, at Kolette ay mga hacker na susubok makatulong sa mga biktima ng scam. Si River naman ang makakasama ng karakter ni Francine Diaz na tutulong upang malutas ang katotohanan sa mundo ng scam. Gagampanan ng mga bagong karakter ang papel ng mga scammer at biktima para ipakita ang tunay na karanasan ng mga taong nabibiktima ng panloloko.
Huwag palampasin ang bagong yugto ng “Sins of the Father” na napapanood sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWant, at TFC gabi-gabi, 9:30pm. Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang JRB Creative Production sa Facebook, X (Twitter) (@JRBcreativeprod), Instagram (@JRBcreativeproduction), at TikTok (@jrbcreativeprod).
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at Tiktok o bisitahin ang https://corporate.abs-cbn.com/newsroom/news-releases.