Sino-sino ang makakakuha ng mutual spark?
Selosan, mukbangan, at drama – ito ang mga dapat abangan mula sa sampung lalaki na ipinaglalaban ang kanilang pag-ibig sa mid-season ng “Sparks Camp Season 3” na napapanood sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.
Aapaw na ang nakaka-intrigang drama at kilig sa naturang queer reality show dahil itotodo na ng campers ang panliligaw sa napupusuan nilang kapwa camper para sa pagkakataon na magkaroon ng mutual spark.
Sa ngayon, mukhang nagkakalabuan sina Khali Empleo at Andrew Rabin sa kabila ng halilkan nila sa kanilang romantic pool date at maaaring magkaroon naman ng love triangle sina Ants Pedregosa, Kim Bejerano, at Julian Agustin dahil sa tila pagseselos ng isang camper.
Ramdam naman ang nakakakilig na chemistry sa pagitan nina Harold Espiritu at Aaron Aberasturi na aminadong bet nila ang isa’t isa noong simula pa ng camp, at unti-unti na ring naging sweet sina Edward Maalihan at Joer Reyes, habang magpapakatotoo na si Julio Silvestre sa kanyang tunay na nararamdaman.
May handog din na exciting plot twists si ‘Mother Sparker’ Mela Habijan at isa na rito ang ‘The Last Temptation Spark’ kung saan may pagkakataon ang isang camper na ipahayag na nais niyang maging mutual spark ang kapwa camper na natitipuhan nila.
Bibisita rin bilang special guests ang dating campers mula sa seasons one at two na sina Alex De Ungria, Bong Gonzales, at Paco Laurel.
Sino-sino mula sa sampung camper ang magwawagi sa pag-ibig at makakakuha ng mutual spark?
Tutukan ang nakakakilig na mga tagpuan sa “Sparks Camp Season 3” kung saan may bagong episode kada Miyerkules ng 7 PM sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel. Mapapanood naman ang special director’s cut sa ABS-CBN Entertainment kapag sumali bilang Super Kapamilya member o maaaring mag-subscribe sa iWant.
Para sa updates sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, and TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.