Blockbuster films ni Anne, tampok din ngayong buwan
Balikan ang apat na romcom films nina Joshua Garcia, Julia Barretto, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Maymay Entrata, Edward Barber, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, at Donny Pangilinan na maghahatid kilig sa Romance Central block ng Cinema One tuwing Linggo ngayong Agosto, 5pm.
Love triangle ang nabuo sa pagitan nina Joshua Garcia, Julia Barretto, at Ronnie Alonte sa “Vince & Kath & James” na mapapanood sa Agosto 10. Iikot ito sa pagtutulungan nina Vince (Joshua) at James (Ronnie) para makuha ang atensyon ng babaeng iniibig nila na si Kath (Julia).
Bida naman sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa “She’s Dating the Gangster” na mapapanood sa Agosto 17. Magsasama ang dalawa para alamin ang totoong nangyari sa nakaraan ng kanilang mga magulang.
Tampok sina Maymay Entrata at Edward Barber sa “Loving in Tandem” na mapapanood sa Agosto 24. Tungkol ito sa hopeless romantic na si Shine (Maymay) na nangangarap makilala ang kanyang one true love sa pagdating ng rebeldeng Fil-Am na si Luke (Edward).
Nagbalik si Ronnie Alonte para sa sequel na “James & Pat & Dave” kasama sina Loisa Andalio at Donny Pangilinan na ipapalabas sa Agosto 31. Bagong hamon ang haharapin ni James (Ronnie) bilang hostel staff sa ilalim ng manager na si Pat (Loisa) na gugulo ang mundo sa pagdating ng ex niya na si Dave (Donny).
Bukod sa apat na romcom films, magpapasikat rin ang “It’s Okay To Not Be Okay” star na si Anne Curtis sa Blockbuster Sundays na mapapanood tuwing 7pm. Saksihan siya sa “When Love Begins” sa Agosto 10, “Babe I Love You” sa Agosto 17, “No Other Woman” sa Agosto 24, at “Buybust” sa Agosto 31.
Samantala, bibida ang iba’t ibang teen movies sa Kabataan Ngayon block na mapapanood mula Lunes hanggang Huwebes, 7pm at Biyernes, 8pm. ‘Wag palampasin ang “Haunted Mansion” sa Agosto 25, “Talk Back and You’re Dead” sa Agosto 26, “G!” sa Agosto 27, “Four Sisters Before The Wedding” sa Agosto 28, at “Bloody Crayons” sa Agosto 29.
Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa SKYcable ch. 56, Cignal ch. 45, GSat Direct TV ch. 14, at iba pang local cable service providers. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Cinema One sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.