News Releases

English | Tagalog

9 new gen singers, pumirma ng kontrata sa StarPop

August 08, 2025 AT 10:30 AM

Mga bagong OPM artist na aabangan

Pormal na ipinakilala ng ABS-CBN Music ang siyam na new gen singers na bahagi na ngayon ng kanilang roster sa naganap na “StarPop Ink Drop 2025” contract signing event sa ABS-CBN Dolphy Theater.

Pumirma ng recording contract sina Annrain, Bryan Chong, Drei Sugay, Enzo Almario, Janah Zaplan, JEL REY, Justin Mclaire, Kanishia Santos, at Misha De Leon sa StarPop, na kilalang launch pad ng mga bago, matapang, at inspiring voices ng Philippine music scene.

Ibinahagi ni StarPop label head Roque “Rox” Santos na hindi lang tagumpay sa pag-awit ang pangarap ng ABS-CBN Music para sa mga bagong recording artist. Gusto rin nila na maipakita nito ang authenticity sa kanilang pagkukwento gamit ang musika at maabot ang mas marami pang makikinig.

“Ang major wish ng label is makilala sila kung sino sila as an artist, yung authenticity nila bilang artist. Gusto ko ma-establish yun,” saad ni Rox.

“And of course, we want them to be successful not just here in the Philippines through their hit songs, syempre gusto rin namin na maka-penetrate sila globally,” dagdag pa niya.

Bukod kay Rox, bahagi rin ng “StarPop Ink Drop” event sina ABS-CBN Music and Integrated Events head Roxy Liquigan, ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo, head ng music management group na si Abbey Aledo, at head of Polaris na si Reily Santiago.

Produkto ng iba’t ibang singing competition ng ABS-CBN sina Annrain, Bryan, Drei, Enzo, at Misha. Nadiskubre naman sina Janah, JEL REY, at Justin sa pamamagitan ng kanilang musika. Nagbabalik sa music scene ngayon si Kanishia, na kapatid ng Kapamilya actor-singer na si LA Santos.

Pakinggan ang musika ng mga bagong StarPop artists sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa FacebookX (Twitter)Instagram, at TikTok.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa FacebookX (Twitter)Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 13 PHOTOS FROM THIS ARTICLE