News Releases

English | Tagalog

Donny at Kyle, bibida sa bagong ABS-CBN serye na "Roja"

August 15, 2025 AT 12:12 PM

Tampok din sina Maymay, Janice, Lorna, at iba pa

 

Magsasama sa isang ABS-CBN teleserye ang dalawang sikat na heartthrobs na sina Donny Pangilinan at Kyle Echarri para sa “Roja,” na mapapanood ngayong taon tampok ang bigating cast. 

 

Parehong beteranong mga aktor at ilang mga inaabangan na young stars ang makakasama nina Donny at Kyle sa serye katulad nina Maymay Entrata, Raymond Bagatsing, Joel Torre, Janice De Belen, at Lorna Tolentino.

 

Mula sa produksyon ng Dreamscape Entertainment, inanunsyo ang “Roja” sa pamamagitan ng nakaka-intrigang video teaser sa social media kung saan tila magche-check in sa isang engrandeng resort, ang La Playa Roja, ang bawat cast member matapos ilatag ang kani-kanilang mga maleta.

 

Ang “Roja” ang nagsisilbing pagbabalik sa primetime serye nina Donny at Kyle pagkatapos ng kani-kanilang serye na “How to Spot a Red Flag” at “Pamilya Sagrado.”

 

Abangan ang iba pang mga detalye at kung sino ang iba pang mga cast member ng “Roja.”

 

Para sa updates sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, and TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

 

Donny at Kyle, bibida sa bagong ABS-CBN serye na "Roja"