Tampok din ang ‘di maaming feelings ni Reign Parani para kay Emilio sa “Love at First Spike” na eksklusibong napapanood sa iWant
Apektado ang bumubuting relasyon nina Uno (Emilio Daez) at Jared (Sean Tristan) matapos hindi matuloy ang inaabangang mukbangan ng bayan sa “Love at First Spike” na eksklusibong napapanood sa iWant tuwing Biyernes, 8pm (PHT).
Tampok sa ikapitong episode ng “Love at First Spike” ang tensyong namumuo sa loob ng court ng love triangle nina Uno dahil sa nagbabalik na feelings ng kanyang dating best friend na si Jared at na-develop na feelings ni Farrah (Reign Parani), na pinsan din mismo ni Jared, para kay Uno.
Minsan nang nasira ang pagkakaibigan ng dating mag-best friend matapos umamin si Jared na siya ang isang bading at matapos madiskubre ni Uno na may feelings pala sa kanya si Jared.
Natutunan na rin ni Uno, bilang nag-iisang straight na lalaki sa team, na tanggpin at respetuhin ang sangkabaklaan matapos hindi siya iwan sa ere ng volleyball team members niyang karamihan ay bahagi ng LGBTQIA+ community.
Samantala, plano na rin ni Uno na i-level up ang feelings niya kay Farrah sa isang night party ng volleyball teams ng Brixton High. Sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi pinayagan ang men’s volleyball team nila ni Jared na makasama sa kanilang Athlethe’s night.
Alamin kung kaninong feelings nga ba ang panalo sa puso ni Uno sa “Love at First Spike” na eksklusibong napapanood sa iWant tuwing Biyernes. Available na rin ang iWant via Chromecast at Airplay.
Sa abot kayang halaga na P35 kada buwan, matutuwa na ang mga pamilya sa panonood ng eksklusibong mga palabas hatid ng iWant saan man sa mundo (maaaring mag-iba ang presyo sa ibang bansa).
I-download ang iWant mula sa Google Play o Apple Store at damhin ang lahat ng feels hatid ng favorite shows mo! Available rin ang iWant via Chromecast at AirPlay.
Para sa ibang detalye tungkol sa iWant, i-follow ang official pages nito sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.