News Releases

English | Tagalog

Emilio Daez, pinag-agawan nina Reign Parani at Sean Tristan

August 08, 2025 AT 03:40 PM

Tampok din ang mainit na tapatan ng volleyball teams sa huling episode ng “Love at First Spike” sa iWant

Mas matinding laban ang haharapin ni Uno (Emilio Daez) sa finale episode ng “Love at First Spike” ngayong Biyernes (Agosto 8) sa iWant, matapos siyang pag-aagawan nina Farrah (Reign Parani) at Jared (Sean Tristan).

Olats naman si Jared na hindi nakaiskor kay Uno at nasaktan matapos masaksihan ang mukbangan nina Uno at Farrah sa ginanap na Athele’s Night ng Brixton High.

Magkakaalaman na kung babalik nga ba si Uno sa basketball team ng Brixton High matapos ang hindi inaasahang oportunidad na magbalik sa unang minahal niyang sport na basketball.

Magkakaalaman din kung tuluyan na nga bang mabubuwag ang men’s volleyball team sa puntong sila ay matalo kontra sa isang defending champion team.

Alamin kung tuluyan bang iiwan ni Uno ang napamahal sa kanyang volleyball team para sa isinisigaw ng kanyang pusong pangarap na maging basketball star sa ikawalo at huling episode ng “Love at First Spike” na eksklusibong napapanood sa iWant.

Sa abot kayang halaga na P35 kada buwan, matutuwa na ang mga pamilya sa panonood ng eksklusibong mga palabas hatid ng iWant saan man sa mundo (maaaring mag-iba ang presyo sa ibang bansa).

I-download ang iWant mula sa Google Play o Apple Store at damhin ang lahat ng feels hatid ng favorite shows mo! Available rin ang iWant via Chromecast at AirPlay.

Para sa ibang detalye tungkol sa iWant, i-follow ang official pages nito sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Emilio Daez, pinag-agawan nina Reign Parani at Sean Tristan