News Releases

English | Tagalog

Kathryn Bernardo, magbabalik-teleserye sa ABS-CBN

August 22, 2025 AT 12:17 PM

Muling gagawa ng serye sa ilalim ng Dreamscape Entertainment

Magbabalik-teleserye na ang Asia’s Superstar na si Kathryn Bernardo matapos ang opisyal na anunsyo ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment ngayong araw (Agosto 22).

 

Magsisilbing reunion project din ito ni Kathryn sa Dreamscape Entertainment pagkalipas ng 15 na taon kung saan ang naturang production unit ang nasa likod ng “Mara Clara,” isa sa pinakatumatak sa mga manonood na teleserye ni Kathryn na umere noong 2010. 

 

Inanunsyo ang inaabangang teleserye comeback ni Kathryn sa pamamagitan ng isang video sa social media kung saan nagpa-hair and make-up ang aktres para sa isang photoshoot. 

 

Ang huling Kapamilya teleserye ni Kathryn ay ang romantic-comedy na “2 Good 2 Be True” noong 2022. Bumida rin siya sa big screen para sa “Hello, Love, Again” at kamakailan nagsilbi siya bilang isa sa mga hurado ng “Pilipinas Got Talent.”

 

Abangan ang susunod na mga anunsyo tungkol sa pagbabalik-serye ni Kathryn.

Para sa updates sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.