Pumapag-ibig sa pop-alternative rock anthem
Pagiging handa na muling magmahal ang ibinahagi ng award-winning singer-songwriter at producer na si Ogie Alcasid sa bagong awitin na “IN LAB.”
“Nagmahal. Nasaktan. Pero heto ka…nagmamahal ulit,” saad niya sa Instagram.
Isinulat at iprinodyus ni Ogie ang awitin kasama ang ABS-CBN Music creatives, content, and operations head na si Jonathan Manalo habang inareglo ito ni Bobby Velasco.
Bago ilunsad ang latest Star Music release, naglabas ang OPM icon ng iba’t ibang videos tampok ang “PBB” alums na sina Bianca De Vera, Charlie Fleming, Esnyr, Klarisse De Guzman, at Will Ashley at tinanong ang lagay ng puso nila habang ipinaparinig ang awitin.
Nitong Hunyo, inilabas ni Ogie ang “Hanggang Dito Na Lang Ba Tayo?” na pinagbidahan nina Jake Villamor at Kolette Madelo. Kasalukuyan may 480,000 views na ito sa YouTube.
Kamakailan din ay naka-duet ni Ogie si Pop Fernandez sa isang concert na ginanap sa Okada Manila noong Linggo (Ago. 9).
Kiligin sa bagong awitin ni Ogie na “IN LAB” na napapakinggan sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.