Chart-topping din sa Singapore, Cambodia, at Qatar
Umarangkada sa top spot ang debut single ni Mika Salamanca na “Sino Nga Ba Siya” sa iTunes songs chart sa Pilipinas at United Arab Emirates habang pasok rin ito sa charts ng Singapore, Cambodia, at Qatar. Sa Spotify, mayroon na itong 250,000 streams habang ang lyric video nito ay may mahigit 150,000 views sa YouTube sa loob ng isang linggo.
Matapos maging big winner ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition,” sinimulan ni Mika ang bagong era niya bilang record artist na inspired mula sa song cover nya noong sya ay bata pa na naging trending topic sa social media.
Tungkol sa pighati ng pagtataksil sa isang relasyon ang “Sino Nga Ba Siya” na unang inawit ni Sarah Geronimo at isinulat ni Vehnee Saturno. Binigyan ng bagong kulay ng ABS-CBN Music creatives, content, and operations head na si Jonathan Manalo ang remake ni Mika.
“Thank you! Isa palang ‘to sa mga ilalabas naming kanta. Excited ako not just for me but also for you guys to hear it,” saad niya sa broadcast channel.
Inawit ni Mika sa unang pagkakataon ang debut single niya kasama si Klarisse De Guzman sa “The Big ColLove” concert na naganap sa Araneta Coliseum nitong Linggo (Ago. 10).
Napapakinggan ang “Sino Nga Ba Siya” ni Mika sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.