Pagbabalik ng “PBB Collab” season 2, aabangan!
Mananatiling Kapamilya ang kilalang “PBB” host na si Robi Domingo matapos muling pumirma ng kontrata sa Star Magic, kasabay ng ika-17 taon niya sa showbiz, nitong Huwebes (Agosto 21).
Itinuturing na ni Robi na pangalawang tahanan ang ABS-CBN kaya hindi niya ito maiwan-iwan. Aniya sa ginanap na “KapamILYa Forever: Here To Stay” contract signing, “I stay here at ABS-CBN because I feel at home whenever I’m here.”
Dumalo sa contract signing sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, COO Cory Vidanes, group CFO Rick Tan, entertainment production at Star Magic head Laurenti Dyogi, at Star Magic manager Deejaye Dela Paz.
Unang nakilala si Robi bilang Second Big Placer ng “Pinoy Big Brother Teen Edition Plus” noong 2008. Mula noon, isa na siya sa pinakapinagkakatiwalaan at pinaka-in-demand na TV host sa bansa.
“To stay with ABS-CBN is one thing, but to believe in its core and commitment to be in the service of the Filipino is another,” ani Robi, na binigyang-diin ang kanyang dedikasyon sa kanyang propesyon.
Aabangan din ang pasabog na pagbabalik niya bilang host ng “PBB Collab” Season 2, isa sa pinakamalalaking “collab” ng ABS-CBN at GMA bago matapos ang taon.
Aniya, “I’m so surprised and that’s in a good way. I’m just so happy for both media channels, GMA and ABS-CBN, to have this big collaboration. Exciting!”
Kasalukuyan naman siyang napapanood sa “ASAP” at sa kauna-unahang season ng “Idol Kids Philippines” tuwing Sabado at Linggo.
Balikan ang “KapamILYa Forever: Here To Stay” contract signing ni Robi Domingo na napapanood sa Star Magic YouTube channel.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.