News Releases

English | Tagalog

Knowledge Channel, hatid ang bago at mas pinasayang educational series na “Kinder Yes!”

August 30, 2025 AT 03:30 PM

Tampok ang makwelang awitan at sayawan para sa mga chikiting na nasa kindergarten

Isang malaking “Yes!” sa masaya at makulay na pagkatuto ang hatid ng Knowledge Channel sa inilunsad nitong bagong educational series na “Kinder Yes!” para sa mga chikiting na nasa kindergarten.

 

Katuwang ang National Council for Children’s Television (NCCT), handog ng nasabing series ang makwelang awitan at sayawan para matulungan na makapagbasa at makapagbilang ang mga chikiting.

 

Una nang ipinalabas ang episode na “Mga Tunog sa Paligid” tampok ang mga tunog sa paligid, alpabetong Pilipino, at mga hugis at sukat. 

 

Bida rin sa iba pang episodes ang usapin tungkol sa paghahanda sa mga sakuna tulad ng bagyo, baha, at lindol at saka ang praktikal na paggasta ng pera.

 

Napapanood ang “Kinder Yes!” tuwing Lunes hanggang Biyernes, 6:20AM at may replay tuwing 6:20pm sa Knowledge Channel. 

 

Available rin ito sa SKYcable (Metro Manila Ch. 5; Provincial Ch. 203), Cablelink (Metro Manila Ch. 4), PCTA Affiliated Cable Operators, Cignal Ch. 146, GSAT Ch. 3, Satlite Ch. 182, DTT via BEAM 31.3, at online sa iWant.

 

Para sa iba pang updates patungkol sa KCFI at sa mga adhikain nito, bisitahin ang official website nitong www.knowledgechannel.org o i-follow ang @knowledgechannel sa Facebook, @kchonline sa X pati @knowledgechannelofficial sa TikTok.

 

Para sa ibang Kapamilya updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE