News Releases

English | Tagalog

Rez Cortez, Bembol Roco, at Dindo Arroyo maghahasik ng bangis sa “Kontrabida”

August 16, 2025 AT 12:58 PM

Pinakamababangis na kontrabida sa Pilipinas, ngayon ay bayani’t bida na simula ngayong Agosto 19 sa iWant

Sanib-pwersa ang tatlong pinakamababangis na kontrabida sa mundo ng pelikula na sina Rez Cortez, Bembol Roco, at Dindo Arroyo sa isang action-comedy-drama film na “Kontrabida,” kung saan sila ang bayani at bida, na mapapanood worldwide sa iWant ngayong Martes (Agosto 19) 8pm (PHT).

Ibang atake ang ihahain ng trio sa “Kontrabida” sa kabila ng pagiging kilala sa kanilang matitinding papel na ginampanan bilang mga sindikato, hitman, at kalaban ng bida sa ilang sikat at premyadong pelikula sa Pilipinas.

Gaganap si Rez bilang isang dating action star na gustong makuha ang loob ng kanyang apo, si Bembol bilang isang dating movie syndicate boss na ngayon ay plantito at wellness advocate, habang si Dindo ay gaganap na dating real-life kontrabida na naging public servant at ngayon ay panadero na inspirasyon ng kabataan.

Magbabago ang lahat nang madukot sila ng mga rebeldeng tagahanga ng kanilang pagiging kontrabida on-screen. Pero imbes na magturo ng kasamaan, haharapin nila ang mas malaking misyon na iligtas ang isang bayan laban sa totoong mga terorista.

Sa direksyon ni JR Reyes at hatid ng iWant at MAVX Productions ang umaatikabong aksyon at riot na katatawanan handog ng trio kasama sina Pekto, Tito Abdul, Tito Marsy, Andrew Bongat, Denise Joaquin, Buchoy Ubaldo, Richmond Geraldo, Imy Bantog, at Papa Ahwel.

Huwag palampasin ang balik-tambalan ng mga hari ng kontrabida sa “Kontrabida,” eksklusibong mapapanood worldwide sa sa iWant simula Agosto 19, 8pm.

Sa halagang P35 bawat buwan sa Pilipinas, handog ng iWant ang abot-kayang access sa mga eksklusibong palabas, paboritong original series, teleserye, at live stream.

I-download ang iWant mula sa Google Play o Apple Store at damhin ang lahat ng feels hatid ng favorite shows mo! Available rin ang iWant via Chromecast at AirPlay.

Para sa ibang detalye tungkol sa iWant, i-follow ang official pages nito sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 6 PHOTOS FROM THIS ARTICLE