News Releases

English | Tagalog

Mutya Orquia, hatid ang tipid tips sa kabataan sa “Estudyantipid” series ng Knowledge Channel at BPI Foundation

August 02, 2025 AT 02:20 PM

Tampok ang usapang pera para sa mga Kabataan Pinoy sa high school

Maghahatid ng tipid tips sa mga kabataan si Kapamilya star Mutya Orquia na bida sa bagong episodes ng “Estudyantipid,” isang series na tumatalakay sa usaping pera handog ng Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) sa pakikipagtulungan ng BPI Foundation.

Gagampanan ni Mutya ang papel ng isang estudyanteng nais matutong humawak ng pera sa seryeng layuning turuan ang mga kabataang Pinoy ng tama at praktikal na paghawak ng pera.

Tampok sa bagong episodes ng “Estudyantipid” ang mga napapanahong isyu tungkol sa pera na madalas na pinoproblema ng kabataang Pinoy matapos ang matagumpay na unang bahagi nito noong 2024.

Tatalakayin sa serye kung paano makaiwas sa mga panloloko o scam, mga pangunahing konsepto sa pagnenegosyo, mga praktikal na kaalaman sa paghawak ng pera, at iba pa.

Mapapanood ang bagong episodes ng “Estudyantipid” tuwing Lunes, Miyerkules, Biyernes, at Linggo sa ganap na 1:40pm sa BEAM Channel 31, cable, direct-to-home satellite, direct-to-home satellite, at digital black boxes.

Pwede ring abangan ang “Estudyantipid” sa Kapamilya Online Live tuwing Sabado, 7:40am to 8:20am, at sa Kapamilya Channel tuwing Linggo simula Agosto 10, mula 8:15am hanggang 8:40am. Available rin ito sa iWant.

Para sa iba pang updates patungkol sa KCFI at sa mga adhikain nito, bisitahin ang official website nitong www.knowledgechannel.org o i-follow ang @knowledgechannel sa Facebook, @kchonline sa X pati @knowledgechannelofficial sa TikTok.

Para sa ibang Kapamilya updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Mutya Orquia, hatid ang tipid tips sa kabataan sa “Estudyantipid” series ng Knowledge Channel at BPI Foundation