Unang EP mula sa tinaguriang Sidlak Bisdak duo
Iba’t ibang kwento ng pag-ibig ang hatid ng “Tawag ng Tanghalan: Duets” grand champions na sina JM Dela Cerna at Marielle Montellano o JMielle sa kanilang EP na pinamagatang “JMielle in Love.”
Inilabas sa ilalim ng Star Music ang mini album na naglalaman ng isang original song at limang remake na binigyan ng bagong buhay ng tinaguriang Sidlak Bisdak duo.
Ang kantang “Paano Ba Ang Magmahal,” na unang inawit nina Piolo Pascual at Sarah para sa pelikulang “The Breakup Playlist,” ang nagsisilbing key track ng EP.
May bagong bersyon din sina JM at Marielle ng OPM favorite na Ikaw” ni Yeng Constantino at “Magpakailan Pa Man” nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid.
Kabilang din sa EP ng musical duo mula sa “TNT” ang “Parang Tayo Pero Hindi,” na unang inawit nina Angeline Quinto at Michael Pangilinan, at “Ikaw At Ako” nina Moira dela Torre at Jason Marvin Hernandez.
Bahagi rin ng unang EP ng JMielle ang “Pag Ang Puso Ang Nagsabi,” ang original song na inilabas nila noong nakaraang taon.
Pormal na inilunsad ng Kapamilya duo kamakailan ang kanilang “JMielle in Love” EP sa isang sold-out show sa Noctos Music Bar. Nakatakda naman nilang ipagdiwang ang kanilang second anniversary concert na "HEARTSTRINGS: Timeless Tunes Of Love" sa SM North EDSA Skydome sa Agosto 22 (Biyernes).
Napapakinggan na ang “JMielle in Love” sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa Facebook, X (Twtter), Instagram, TikTok, at YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.