News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, wagi ng bigating parangal sa ContentAsia Awards 2025

September 08, 2025 AT 01:20 PM

ABS-CBN continues to champion Filipino talent and storytelling on the global stage, bagging multiple honors at the prestigious ContentAsia Awards 2025.

“Saving Grace” at “Hello, Love, Again,” bida sa international awards!

Patuloy na umaani ng pagkilala ang ABS-CBN sa buong mundo matapos itong maguwi ng mga bigating parangal sa ContentAsia Awards 2025 na ginanap kamakailan.

Wagi ang family drama na “Saving Grace” ng Bronze award para Best TV Format Adaptation (Scripted) in Asia, habang kinilala naman ang child star na si Zia Grace Bataan, na gumanap bilang Mary Grace Banaag sa serye, na Best Supporting Actress in a TV Programme/Series Made in Asia.

Ang blockbuster hit na “Hello, Love, Again, ” na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, ay naiuwi ang Bronze award sa Best Asian Feature Film na kategorya at Viewers’ Choice Award para sa Favorite Asian Movie, habang ang theme song nitong “Palagi,” na inawit ni KZ Tandingan at TJ Monterde, ay naiuwi ang Silver na parangal para sa Best Original Song for an Asian TV Series/Programme or Movie na kategorya.

Samantala, ang action-packed na seryeng “Incognito,” na pinagbidahan nina Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Baron Geisler, Maris Racal, Anthony Jennings, Kaila Estrada, at Daniel Padilla, ay naiuwi ang Viewers’ Choice Award para sa Favorite Drama.

Wagi rin sina Kim Chiu at Paulo Avelino ng Viewers’ Choice Awards at kinilalang Favorite Actress at Favorite Actor para sa kanilang husay sa “What’s Wrong With Secretary Kim.”

Ang ContentAsia Awards ay kinikilala ang mga huwaran sa industriya ng telebisyon at pelikula sa rehiyon.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa FacebookX (Twitter)Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

ABS-CBN, wagi ng bigating parangal sa ContentAsia Awards 2025