Unang single sa ilalim ng StarPop
Pagtingin para sa espesyal na tao ang kwento ng promising P-pop boy group na AJAA sa kanilang bagong awitin na “Ako Na” na umarangkada agad sa unang pwesto sa iTunes Philippines.
Tungkol ang kanta sa hiling na mabigyan pansin at masuklian ang pag-ibig para sa taong mahal. Ito ang unang single ng grupo sa ilalim ng ABS-CBN record label na StarPop.
Isinulat at iprinodyus ito ng VXON member na si Franz Chua kasama sina Jhon Carl Maniacop at Theo Martel.
Binubuo ang AJAA ng mga miyembro na sina Ash, JC, Axl, at Alex na nag-debut noong 2023. Kinikilala rin ang grupo bilang ‘the new generation of P-pop.’ Inilunsad nila ang unang extended play (EP) na “4 Ü” na umani ng halos 3 milyon streams sa Spotify. Tampok dito ang mga awitin na “Hany,” “Best Day Ever,” “Cuppy Cake,” at “Torpe.”
Noong 2024, inilabas nila ang “BES I LUV U” na napabilang sa Spotify P-pop On The Rise playlist. Sinundan nila ito ng dance-pop single na “Dedma” na may mahigit 300,000 streams sa Spotify.
Damhin ang love confession ng AJAA sa “Ako Na” na napapakinggan sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang AJAA sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, and YouTube.
Para sa updates, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, and TikTok.