News Releases

English | Tagalog

Andrea at Maris, nagkagirian sa "FPJ's Batang Quiapo"

September 22, 2025 AT 10:26 AM

Coco, maililigtas pa si Christopher?

Magpapangabot sa isang matinding salpukan ang mga karakter nina Andrea Brillantes at Maris Racal sa “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Pasabog ang maaksyong eksena ng dalawang aktres na mapapanood sa mga susunod na episode kung saan mauuwi ito sa tutukan ng kutsilyo. Sa takbo ng kwento ngayon, mapipilitan si Fatima (Andrea) na labanan ang pulis na si Ponggay (Maris) matapos siyang madamay sa operasyon sa pag-aresto kay Tanggol (Coco).

Bago pa nito, una nang natakasan ni Tanggol ang mga awtoridad at dumiretso siya sa lugar ni Fatima upang pansamantalang magtago. Dehado ngayon si Tanggol dahil inaresto na ang kanyang pamilya at itotodo ng mga Guerrero ang paninira nila laban sa mga Montenegro.

Sa kabila ng pagbagsak ng pamilya Montenegro, sisimulan na ni Tanggol ang mas malaki niyang misyon upang iligtas ang papa niyang si Ramon (Christopher De Leon), na kasalukuyang nag-aagaw buhay matapos barilin ni Rigor (John Estrada).

Samantala, namaalam na sa “FPJ’s Batang Quiapo” ang batikang aktres na si Chanda Romero pagkatapos siyang pagbabarilin ni Miguelito (Jake Cuenca).

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWant, at Kapamilya Online Live. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para makakuha ng updates sa “FPJ’s Batang Quiapo,” bisitahin ang batangquiapo.abs-cbn.com. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 6 PHOTOS FROM THIS ARTICLE