News Releases

English | Tagalog

Kiddie hopeful Alexa, waging “Idol Kids Philippines” grand winner

September 29, 2025 AT 01:40 PM

Tampok din ang world-class at pasabog performances ng Top 3 kiddie hopefuls

Wagi bilang kauna-unahang grand winner ng “Idol Kids Philippines” si kiddie hopeful Alexa Mendoza sa ginanap na makasaysayang pasiklaban sa kantahan ng taon sa Final Showdown nitong Linggo (Setyembre 28).

Nasungkit ng nine-year-old kiddie hopeful na si Alexa mula Laguna ang titulo matapos makuha ang 98.88% na pinagsamang boto ng publiko at scores ng Idol judges sa kanyang makatindig-balahibong orihinal na kanta na “Maaabot Ko” at pasabog niyang bersyon ng “Ang Huling El Bimbo” ng bandang Eraserheads. Nag-uwi rin siya ng exclusive contract mula StarPop at mahigit P1 million.

Bumida rin ang mga orihinal na awitin ng Top 3 kiddie hopefuls, “Pakinggan Mo” ni kiddie hopeful Klied, “Dalangin” ni kiddie hopeful Quinn, at “Maaabot Ko” ni kiddie idol Alexa, na lahat prinodyus ng award-winning songwriter at producer na si Jonathan Manalo.

Mapapakinggan at mapapanood ang lahat ng in-studio lyric videos sa ABS-CBN Star Music YouTube Channel at  ilalabas naman ang official EP ngayong Biyernes (Oktubre 3) sa lahat ng streaming platforms worldwide.

Tampok din ang special performances mula sa “It’s Showtime” hosts na sina Jhong Hilario at Vhong Navarro na nagpaindak sa madla nitong Linggo (Setyembre 28).

Hindi rin pahuhuli ang Kapamilya Idol judges sa pagtatapos ng kauna-unahang season na sina Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, Power Diva Angeline Quinto, record-breaking singer-songwriter Juan Karlos, at Mr. Pure Energy Gary Valenciano, na nakasama ng kiddie hopefuls sa buong kompetisyon.

Bahagi rin sa journey ng kiddie hopefuls ang IdolKada hosts na sina Kapamilya actress at Idol hopeful Shanaia Gomez at Jeremy G, na nagbigay nakipagkulitan sa fans online mula umpisa hanggang dulo ng season.

Mapapanood muli ang journey at ang world-class performances ng kiddie hopefuls sa opisyal na YouTube channel ng “Idol Philippines” at on-demand sa iWant.

Para sa ibang detalye tungkol sa “Idol Philippines,” i-follow ang official pages nito sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE