Matapos ang makulay na journey niya sa “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition,” nagbabalik recording ang Soul Diva at itinuturing ngayon bilang ‘Nation’s Mowm’ na si Klarisse de Guzman sa awiting “Dito Ka Lang, Wag Kang Lalayo.”
Tungkol ang power ballad sa pagkakaroon ng taong nagsisilbing tahanan sa oras ng hirap at ginhawa. Nagsisilbi itong unang patikim ni Klarisse sa upcoming album na ilalabas niya sa ilalim ng StarPop.
Mula ang “Dito Ka Lang, Wag Kang Lalayo” single sa komposisyon at produksyon ni ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo.
Sinusundan nito ang extended play (EP) na “FEELS” na inilabas ni Klarisse noong nakaraang taon na naglalaman ng mga awiting “Dito,” “Minamahal Pa Rin Kita,” at “Bibitawan Ka.”
Naghahanda na rin ang Kapamilya singer para sa “The Big Night” concert na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Setyembre 16 (Biyernes). Sold-out na ang Platinum at VIP tickets habang available pa sa Ticketnet ang patron A (P3,000), patron B (P2,500), lower box (P1,800), upper box (P1,200), at general admission (P500) tickets.
Damhin ang pag-ibig sa “Dito Ka Lang, Wag Kang Lalayo” ni Klarisse na napapakinggan sa lahat ng streaming platforms at samahan siya sa “The Big Night” concert sa Araneta Coliseum sa Set. 26 (Biyernes). Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.