Alay para sa mga nangangamba sa pag-ibig
Kwento ng pag-aalinlangan sa pag-ibig ang hatid ng baguhang singer-songwriter na si Kyle Daniell sa kanyang pop-rock alternative song na “Parang Ayoko Na.”
“Take your time dahil hindi mo kailangan madaliin ang lahat. May process lahat ng mga nangyayari sa life so kung parang feeling mo ayaw mo na, pag-isipan mo munang mabuti kung dapat bang i-give up mo yung isang bagay or dapat mo siyang ipagpatuloy,” saad ni Kyle na siyang sumulat ng kanta kasama si Kiko “KIKX” Salazar para sa mga taong nahihirapan muling umibig dahil sa takot na masaktan.
Ito ang ikalawang awitin ni Kyle sa ilalim ng Star Music kasunod ng “Hindi Minahal” na inilabas noong Marso.
Unang pumasok sa industriya si Kyle taong 2022 nang inilunsad niya ang debut single na “To Last Forever.” Bukod sa pag-awit, isa rin siyang digital commercial actor.
Available ang awiting “Parang Ayoko Na” ni Kyle sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.