News Releases

English | Tagalog

Carlo at Anne, emosyunal sa nalalapit na pagtatapos ng "It's Okay to Not Be Okay"

September 30, 2025 AT 10:54 AM

Hindi napigilan ng bida ng serye na sina Carlo Aquino at Anne Curtis na maging emosyunal sa finale media conference ng kanilang hit Philippine adaptation na “Its Okay To Not Be Okay” nitong Huwebes (Set.25).

Ibinahagi ni Carlo ang lalim ng samahan na nabuo niya  sa serye.

“Mula pa noong July ng nakaraang taon, magkasama na kami. Hindi ako sanay magpaalam dahil sobrang mahal ko na talaga itong team — at sobrang mahal ko rin ang show na ito,” ani niya.

Maging si Anne ay nadala rin kay Carlo. Ipinahayag din niya kung gaano siya ka-proud sa ginawa nila serye at kung paano nila binida ang ganda ng Pilipinas.

“Naging mahaba-haba din ang journey namin, mula sa pagshoot sa iba’t ibang parte ng Pilipinas tulad ng Dumaguete, Bacolod, at Iloilo. Isang bagay na ipinagmamalaki namin ay hindi lang namin naipakita ang kagandahan ng bansa kundi pati na rin ang kulturang Pilipino, lalo na tungkol sa pamilya,” ani Anne.

Nagbahagi rin ng kanilang karanasan ang young stars na sina Kaori Oinuma at Xyriel Manabat tungkol sa suporta na natanggap nila mula sa kanilang mga co-stars.

Inalala  ni Kaori ang kanyang naging final scene kasama si Anne. “Bago mag take, nagpaalam muna ako kay Ate Anne, kasi kailangan sa eksena na sabunutan ko siya. Hindi ko alam kung paano ko yun gagawin kasi ang bigat ng mga eksena, at maraming emosyon. Salamat sa tulong nina Ate Anne at Direk, nagawa ko naman,” sabi niya.

Ibinahagi namani Xyriel kung paano nagwork ang tandem nila ni Enchong Dee.

“Nung umpisa, lagi kaming kinakabahan ni Kuya Enchong, hindi namin alam kung tama o maayos ba ginagawa namin. Pero katagalan, nag-click lang talaga kami, at siguro yung bond namin yung nakatulong para magawa yun, saad niya.

Nagpahayag din ng pasasalamat sa mga nanonood ang iba pang cast members kabilang sina Enchong Dee, Maricel Laxa, Agot Isidro, Bodjie Pascua, Bobot Mortiz, Louise Abuel, Alyssa Muhlach, Aljon Mendoza, at Ana Abad Santos. Patuloy kasing kabilang ang serye sa Top 10 most-watched shows sa Netflix Philippines.

Habang nalalapit na ang pagtatapos ng serye, paka-abangan ang matagal nang pinakahihintay na mga rebelasyon — kabilang na ang katotohanan sa likod buhay ni Mia at ang misteryo sa pagkawala ni Ingrid.

Huwag palampasin ang final episodes ng It’s Okay to Not Be Okay, gabi-gabi tuwing 8:45 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at Netflix.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom/news-releases.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE