Hatid ng Knowledge Channel at BPI Foundation ang usapang pera sa high school students ng Pasig City
Napapanahong tipid tips at kaalaman sa tamang paghawak ng pera ang natutuhan ng mahigit 200 na mag-aaral sa Pasig City sa inilunsad na bagong season ng “Estudyantipid” na pinagbibidahan ni Kapamilya star Mutya Orquia.
Handog ng Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) at BPI Foundation, eksklusibong napanood ng junior at senior high school students mula Rizal High School ang pinakabagong episodes ng nasabing serye.
Binigyang-diin ni KCFI president at executive director Rina Lopez ang kahalagahan ng mensaheng hatid ng “Estudyantipid” para maihanda ang mga kabataan sa kanilang kinabukasan.
Aniya, “Through ‘Estudyantipid,’ we aim to reach students where they are, with stories that reflect their experiences and prepare them for real-life challenges.”
Suportado naman ito ni BPI Foundation executive director Carmina Marquez. Aniya, “By teaching students how to manage their finances early, we’re helping build a generation that is responsible, resilient, and ready to face the future.”
Tampok sa bagong episodes ng “Estudyantipid” ang mga napapanahong isyu tungkol sa pera na madalas na pinoproblema ng kabataang Pinoy matapos ang matagumpay na unang bahagi nito noong 2024.
Samantala, nagbigay din ang KCFI at BPI Foundation ng mahigit 1,500 educational video lessons, kabilang ang “Estudyantipid” series, sa pamamagitan ng Knowledge Channel Portable Media Library na magagamit ng mga guro sa pagtuturo.
Napapanood ang bagong episodes ng “Estudyantipid” tuwing Lunes, Miyerkules, Biyernes, at Linggo sa ganap na 1:40pm sa BEAM Channel 31, cable, direct-to-home satellite, direct-to-home satellite, at digital black boxes.
Pwede ring abangan ang “Estudyantipid” sa Kapamilya Online Live tuwing Sabado, 7:40am to 8:20am, at sa Kapamilya Channel tuwing Linggo simula Agosto 10, mula 8:15am hanggang 8:40am. Available rin ito sa iWant.
Para sa iba pang updates patungkol sa KCFI at sa mga adhikain nito, bisitahin ang official website nitong www.knowledgechannel.org o i-follow ang @knowledgechannel sa Facebook, @kchonline sa X pati @knowledgechannelofficial sa TikTok.
Para sa ibang Kapamilya updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.



