News Releases

English | Tagalog

Top 6 kiddie hopefuls, magpapasiklaban sa Final Showdown ng “Idol Kids Philippines”

September 23, 2025 AT 01:48 PM

Live Final Showdown magaganap na ngayong Sabado at Linggo

Kasado na ang anim na kiddie hopefuls na aarangkada para magpasiklaban sa kantahan sa Final Showdown ng “Idol Kids Philippines” matapos makamit nina kiddie hopefuls Klied, Sean, at Yassi ang tatlong huling slots ng kompetisyon.

Makakasama ng tatlong naggagalingang kiddie hopefuls ang unang tatlong nagwaging makapasok sa Final Showdown na sina kiddie hopefuls Alexa, MJ, at Quin.

Ibinida ni kiddie hopeful Klied ang kanyang bersyon ng “Liwanag sa Dilim” ng Rivermaya, na nagpakita ng linaw at kontrol sa boses at nagpamalas ng matinding emosyon sa bawat himig.

Hindi rin nagpahuli si kiddie hopeful Sean sa kanyang emosyonal at makabagbag-damdaming bersyon ng kantang “Himala” ng parehong banda.

Nagpakitang-gilas naman si kiddie hopeful Yassi ng sarili niyang bersyon ng “Anak” ni Freddie Aguilar at nagbigay emosyon at lalim sa bawat linya ng awitin.

Samantala, nagpakilig sa huling linggo ng live semifinals ang Filipino boy group na BGYO sa kanilang bagong kantang “Headlines,” tampok ang nagbabagang moves nina BGYO Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate.

Napaindak din ang madla sa energetic performance ni “Idol Philippines” season 2 grand winner Khimo Gumatay na inawit ang bago niyang kanta na “Isayaw Mo Lang.”

Mas mainit na puksaan sa kantahan ang aabangan ngayong Sabado at Linggo (Setyembre 27 at 28) sa Final Showdown ng top six kiddie hopefuls sa harap ng Kapamilya Idol judges na sina Regine Velasquez-Alcasid, Angeline Quinto, Juan Karlos, at Gary Valenciano.

Abangan ang Final Showdown ng “Idol Kids Philippines” ngayong Sabado at Linggo, 7:15 p.m. hanggang 8:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, at Kapamilya Online Live, at 8:00 p.m. hanggang 9:15 p.m. sa TV5.

Para sa ibang detalye tungkol sa “Idol Philippines,” i-follow ang official pages nito sa FacebookXInstagramTikTok, at YouTube.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE