News Releases

English | Tagalog

Mas maraming bata, makikinabang sa upskilling program ng Rotary Club at Knowledge Channel Foundation

September 02, 2025 AT 04:16 PM

Kauna-unahang Training Program para sa Child Development Workers, Inilunsad sa Baras

Makikinabang ang mga batang mag-aaral sa bayan ng Baras, Rizal sa mas makabuluhan at mas nakakaengganyong early childhood education sa pamamagitan ng kauna-unahang training program sa Pilipinas na nakatuon sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga child development teachers at workers (CDWs).

 

Hatid ng Rotary Global Grant katuwang ang Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI),  inilunsad noong Hulyo 7, 2025 ang inisyatibong “Kayang Kaya Para sa Bata: Certificate Program for the Upskilling of Child Development Workers,” isang anim-na-buwang professional development program na idinisenyo upang tugunan ang mga hamon sa early childhood care and education. 

 

Layunin nitong bigyan ng sapat na kaalaman, kasanayan, at sertipikasyon ang mga CDWs upang makapaghatid ng mas holistic na pagkatuto para sa mga bata.

 

Hatid din ng upskilling program na ito ang bagong TV sets at iba pang learning resources tulad ng Knowledge Channel Portable Media Library na naglalaman ng daan-daang video lessons at modules para mas moderno, makulay, at masayang pagtuturo.

 

Personal na bumisita sa Baras, Rizal si Rotary Club of Cheonan Dongho president Lee Seung Bae mula South Korea upang personal na makasama ang mga guro at CDW sa programa, kasama si KCFI president at executive director Rina Lopez.

 

Ang programa ay pinondohan ng Rotary Global Grant #2457741 sa pamamagitan ng RCMPD, Rotary District 3830, Rotary Club of Cheonan Dongho, at Rotary District 3620.

Ang implementing partner organizations ng training ay ang KCFI, ECCD Council, UP Department of Family Life and Child Development, at Municipality of Baras.

 

Bilang kauna-unahang programa para sa mga CDW sa bansa, layunin din ng proyekto na suportahan ang Early Childhood Care and Development System Act (RA 12199) para mas mapabuti ang kalidad ng edukasyon ng mga chikiting sa bansa. 

 

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Rotary Club of Makati Premier District, bisitahin ang rcmpd.org or i-follow @rcmakatipremierdistrict sa Facebook at Instagram.

 

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa KCFI, bisitahin ang www.knowledgechannel.org o i-follow ang @knowledgechannel sa Facebook, @kchonline sa X, at @knowledgechannelofficial sa TikTok.

 

Para sa pinakabagong updates mula sa Kapamilya, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE