“Headlines” performance video, napapanood na sa YouTube
Tuloy-tuloy ang BGYO sa pagpasok sa global music scene at patunay rito ang pasabog nilang performances sa matagumpay na Summer Sonic Bangkok 2025.
Masaya ang grupo bilang nag-iisang kinatawan ng Pilipinas sa biggest music festival ng Japan na ginanap sa IMPACT Challenger Hall sa Bangkok, Thailand noong Agosto 23-24. Kasama sa tanyag na global acts na nakibahagi sa event tulad nina Alicia Keys, Camila Cabello, Black Eyed Peas, BABYMETAL, at iba pa.
Inawit ng BGYO members na sina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate ang latest single na “Headlines,” “The Light (Thai version),” “Heartstrings,” at “All These Ladies” na nakapasok sa Spotify PH Viral top 50. Kinanta rin nila ang Filipino songs na “Andito Lang” at “Gigil.”
Pangalawang beses na sa Thailand ng grupo ngayong taon dahil naging bisita rin sila sa “Dream Warrior Concert” ni Boss CKM noong Hulyo kung saan inawit nila ang “Heartstrings” at “All These Ladies.”
Bukod sa performances nila sa Thailand, kabilang din ang BGYO sa mga nagpasaya na Kapamilya acts sa “ASAP England” na ginanap naman noong Sabado (Agosto 30) sa BP Pulse Arena sa Birmingham.
Samantala, inilabas na ng BGYO ang performance video para sa “Headlines,” na umani ng mga papuri mula sa netizens.
“World class talent for BGYO! This song is truly a remarkable masterpiece , a bop summer good vibes anthem for everyone! BGYO very talented at heart!!!,” sabi ng isang YouTube viewer.
“The newest single Headlines, give me a 90’s boyband vibes. Ganda ng sound ng BGYO. Very catchy. The visuals is superb. Of course, ang ggwapo! The choreo is sharp. Talagang hindi naninipid ang BGYO sa fans,” post naman ng isa pang netizen.
Nakatakda nang pangunahan ng grupo ang “BGYO: The First Solo Concert” sa Oktubre 4 (Sabado) sa New Frontier Theater sa Quezon City. Mabibili ang tickets para rito sa Ticketnet.
Para sa updates, sundan ang @bgyo_ph sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at mag-subscribe sa BGYO Official YouTube channel.