News Releases

English | Tagalog

BINI, kauna-unahang Filipino group na makakasama sa Coachella

September 17, 2025 AT 04:16 PM

Global artists na sina Sabrina Carpenter, Justin Bieber at Karol G, makakasama ng nation’s girl group

Gumawa ng kasaysayan ang BINI bilang kauna-unahang Filipino group na makakapag-perform sa Coachella 2026.

Makakasama ng grupo sa music festival ang iba’t ibang global artists gaya nina Sabrina Carpenter, Justin Bieber, at Karol na gaganapin sa Empire Polo Club, California, US sa Abril 10 at 17.

Kasabay ng bagong achievement ay inilabas din ng BINI ang ticket prices para sa “BINIfied” concert na magaganap sa Philippine Arena sa Nobyembre 29 (Sabado).

Magsisimula ang pre-selling ng tickets para sa BINI Global members sa Set. 30 (Martes) habang ang general sale naman ay sa Okt. 1 (Miyerkules). Mabibili ang tickets sa Pulp Tickets at Ticketnet sa halagang P14,999 (VIP standing), P11,999 (VIP seated), P7,499 (lower box regular A), P5,499 (lower box B premium ), P4,499 (lower box B regular), P2,999 (upper box A), P1,999 (upper box B), and P849 (gen ad).

Kamakailan ay kinilala rin ang grupo sa Breaktudo Awards 2025 sa Brazil kung saan nakakuha silang tatlong nominasyon para sa International Female Group, International Collaboration, at International Fandom of the Year. Inilunsad din nila ang “Shagidi” bilang tour single ng “BINIverse World Tour” na nagdala sa kanila sa Dubai, London, at iba’t ibang siyudad sa US at Canada.

Manatiling updated sa bagong music at shows ng BINI at sundan sila sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube, o bisitahin ang bini.abs-cbn.com.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE