News Releases

English | Tagalog

FANA, lito sa pag-ibig sa "Meron Pero Wala"

September 10, 2025 AT 10:21 AM

Bagong kanta pagkatapos niyang manalo sa Philpop Himig Handog

Naglunsad ng kanta tungkol sa relasyong walang label ang rising Kapamilya artist na si FANA na pinamagatang “Meron Pero Wala.” 

Pagkatapos magwagi sa Philpop Himig Handog bilang interpreter ng Best Song na “Wag Paglaruan” ni Tiara Shaye, binibigyan naman ni FANA ngayon ng sariling R&B at soul flavor ang “Meron Pero Wala” na dala ang emosyon at pagkalito ng isang tao pagdating sa kanyang minamahal. 

Tampok dito bilang featured artist si ACE$ o Ismael Alshdefat na siya ring sumulat ng kanta kasama sina Kiko “KIKX” Salazar at ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo. Si KIKX din ang nag-areglo at nagprodyus ng awitin. 

Nagmula si FANA sa “The Voice Teens Philippines” season 1 sa ilalim ng team ni Sarah Geronimo at naging finalist din siya sa “Idol Philippines” season 1. Ngayon unti-unti na siyang nakikilala dahil sa natatanging boses niya na nagbigay-buhay rin sa mga awiting “Love Story Ko,” “Tawa-Tawa,” at “Out.” 

Ibinida naman ni ACE$ ang kanyang talento sa pag-rap sa latest single ni FANA. Isa rin ang baguhang hip-hop artist sa sumulat ng hit song na “Diwata” ni Sam Concepcion” at nakipag-collaborate din siya kay Zsa Zsa Padilla para sa “Pag Tinadhana Remix.”  

  

Napapakinggan na ang “Meron Pero Wala” single ni FANA tampok si ACE$ sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa Facebook, X (Twtter), Instagram, TikTok, at YouTube.

 

Para sa iba pang updates, sundan @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE