News Releases

English | Tagalog

Klarisse embarks on empowering journey with new album “Unimaginable”

September 24, 2025 AT 02:28 PM

Handa na para sa “The Big Night” concert

Puno ng pangarap at tiwala sa sarili ang Soul Diva na si Klarisse de Guzman sa kanyang ikalawang album na “Unimaginable” na nanguna agad sa iTunes Philippines albums chart.

Tampok sa bagong album ang walong awitin na “Todo,” “Pipilitin,” “Finally You Came,” “OA,” “TAYO,” “Di Ko Kaya Ko ‘To,” “Babae Ako,” at “Unimaginable.” 

Ibinahagi ni Klarisse sa title track na “Unimaginable” ang pagkakaroon ng pag-asa na abutin ang mga pangarap kahit na maraming pagsubok na pinagdadaanan.

Nakasama agad ang kanta sa iba’t ibang editorial playlists tulad ng Spotify New Music Friday Philippines at OPM Rising, habang nakapasok naman ang buong album sa Apple Music Philippines top 100 bukod sa pangunguna nito sa iTunes Philippines albums chart. 

Mula ang mga kanta sa album sa komposisyon ng mga batikan at new-gen songwriters, kasama na sina Ogie Alcasid, Jungee Marcelo, Soc Villanueva, Ramiru Montaro, Cynthia Roque, Jeremy G, WRIVE members Russu Laurente at Ishiro Incapas, Trisha Denise, at Dennis Campañer. Nagsilbing executive producers naman sina StarPop label head Roque “Rox” Santos at ABS-CBN Music creative, content, and operations head Jonathan Manalo.

Naghahanda na si Klarisse sa inaabangan na “The Big Night” concert na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Set. 26 (Biyernes), 7pm. Makakasama ng ‘Nation’s Mowm’ sa bigating concert sina Vice Ganda, Regine Velasquez-Alcasid, TJ Monterde, Cup of Joe, “PBB” alums na sina Mika Salamanca, Brent Manalo, Will Ashley, Esnyr, at Shuvee Etrata, at “Tawag ng Tanghalan” All-Star Grand Resbakers 2025 Marko Rudio, Ian Manibale, at Miah Tiangco.

Sold out na ang platinum, VIP, patron, at lower box tickets ng concert habang mabibili pa ang lower box, upper box, at gen ad tickets sa ticketnet.com.ph. Maaari rin mapanood ang “The Big Night” concert sa iWant sa halagang P249.

Maantig sa mensahe ng “Unimaginable” ni Klarisse na napapakinggan sa iba’t ibang streaming platforms at huwag palampasin ang “The Big Night” concert na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Set. 26. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 6 PHOTOS FROM THIS ARTICLE