Unang collab ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” winners
Inilunsad ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” Big Winners na sina Mika Salamanca at Brent Manalo ang kanilang unang music collaboration single na pinamagatang “What If Tayo?” na nanguna sa iTunes Philippines songs chart.
Tungkol ang awitin sa dalawang mag-best friends na nagdadalawang-isip na pumasok sa isang relasyon. Ipinakilala ito ng Star Music sa social media sa pamamagitan ng isang fan fiction na hango kina Mika at Brent.
Si ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo ang sumulat at nagprodyus ng bagong kanta.
Kasalukuyan, may mahigit 312,000 views na ang lyric video nito sa YouTube at tampok din sa Spotify New Music Friday PH playlist.
Sinusundan ng “What If Tayo?” ang kakalabas lang na debut single ni Mika na “Sino Nga Ba Siya” na umani na ng isang milyong streams sa Spotify at nanguna sa iTunes Philippines at United Arab Emirates. Umarangkada rin ito sa ikatlong pwesto sa Spotify Philippines Viral Songs chart matapos maging patok sa social media ang lumang cover ng Kapuso star.
Ito naman ang unang kanta ni Brent na kamakailan ay napanood sa digital film na “The Four Bad Boys and Me.” Bumida rin ang Kapamilya aktor sa music video ng Philpop Himig Handog grand winner na “Wag Paglaruan.”
Kiligin sa “What If Tayo?” nina Mika at Brent na napapakinggan sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

