Tampok din sina BINI Colet at Maloi bilang celebrity mentors at live performance ni Maki
Handang-handa nang sumabak ang 18 kiddie hopefuls sa pasiklaban ng galing sa kantahan sa gaganaping live semifinals ng “Idol Kids Philippines” simula ngayong Sabado (Setyembre 13) at Linggo (Setyembre 14).
Pasabog ang unang linggo ng semifinals dahil makakasama ng kiddie hopefuls sina BINI Colet at Maloi bilang celebrity mentors at magbibigay kilig at saya ang rising OPM star na si Maki sa kanyang makulay na special live performance.
Makakasama ng huling anim na nakapasok sa live semifinals nitong Linggo (September 7) ang kiddie hopefuls na sina Alexa, Andrea, Francheska, Gab, Kara, Kean, Klied, Leisah, Miggy, Samantha, Sean, at Yassi.
Hindi nagpahuli ang 6-anyos na kiddie hopeful na si Abatar mula Las Piñas sa kanyang cute performance ng “Dahil Sa ’Yo” kasabay ni kiddie hopeful Jairah mula Negros Occidental sa nakaaantig niyang bersyon ng “Habang Ako’y Nabubuhay.”
Nanguna naman si kiddie hopeful Keisha mula Cebu nitong Linggo (Setyembre 7) matapos makakuha ng pinakamataas na score na 98% para sa kanyang performance ng “Forever’s Not Enough.”
Umabante rin si kiddie hopeful Khasy ng Bulacan na ipinamalas ang kalibre ng kanyang boses sa “Follow Your Dreams” kasabay kiddie hopeful MJ mula Batangas sa kanyang makabagbag-damdaming bersyon ng “Kailan Kaya” noong Sabado (Setyembre 6).
Sunod ding umabante si kiddie hopeful Khasy mula Bulacan na ipinamalas ang kalibre ng kanyang boses sa “Follow Your Dreams” kasabay ni kiddie hopeful Quinn mula Rizal sa kanyang malinis at sweet rendition ng “Pasilyo.”
Magtutuloy-tuloy ang salpukan ng 18 semifinalists sa susunod na linggo (Setyembre 20 at 21) sa harap ng Kapamilya Idol judges na sina Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, Power Diva Angeline Quinto, record-breaking singer at songwriter Juan Karlos, at Mr. Pure Energy Gary Valenciano.
Samahan ang kiddie hopefuls sa pagkamit ng kanilang mga pangarap sa “Idol Kids Philippines” tuwing Sabado at Linggo, 7:15pm hanggang 8:30pm sa Kapamilya Channel, A2Z, at Kapamilya Online Live, at 8pm hanggang 9:15pm sa TV5.
Para sa ibang detalye tungkol sa “Idol Philippines,” i-follow ang official pages nito sa Facebook, X, Instagram, at YouTube.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.