News Releases

English | Tagalog

Fyang, JM, at Emilio, nanawagan kontra pirata

September 25, 2025 AT 03:59 PM

Hatid ang mas masayang feels at quality streaming ng iWant

Nanawagan ang mga bida ng mga bagong iWant Original series na sina Emilio Daez (Love at First Spike) at sina Fyang Smith at JM Ibarra (Ghosting) sa publiko na huwag suportahan ang pirated content at manood lamang sa iWant.

Kasunod ito ng pagkalat ng episode ng kanilang series na “Ghosting” at “Love at First Spike” sa mga ilegal na websites at pagkalat ng mga piniratang bidyo sa social media, ilang oras lang matapos ang bawat official release nito sa iWant.

Nagpasalamat sina Fyang at JM sa mainit na pagtanggap at suporta ng fans sa kabila ng pagiging baguhan nila sa industriya.

Nagpaalaala sila na malaking kawalan din para sa mga taong nagtatrabaho sa likod ng kamera, hindi lang sa kanila, ang pagtangkilik sa mga pirata.

“Streaming legally means everything to us. Not just for the cast, but for the writers, the crew, the director—everyone who trusted us even though we’re just starting out,” ayon kay JM.

Hirit naman ni Fyang, “’Yung mga nanonood ng pirated, sila rin ‘yung laging na-go-ghost? Huy! Walang gano’n!”

Samantala, binigyang-diin naman ni Emilio, kasama sina Sean Tristan at Reign Parani, kung gaano kahalaga ang bawat legal na panonood, lalo na para sa mga kwentong sumasalamin sa buhay ng kanilang manonood.

Aniya, “We poured so much of ourselves into ‘Love at First Spike.’ So if it meant something to you—if you saw even a small part of yourself in it—the best way to show love back is to stream it legally on iWant.”

Sa halagang P35 bawat buwan sa Pilipinas, handog ng iWant ang abot-kayang access sa mga eksklusibong palabas, paboritong original series, teleserye, at live stream.

I-download ang iWant mula sa Google Play o Apple Store at damhin ang lahat ng feels hatid ng favorite shows mo! Available rin ang iWant via Chromecast at AirPlay.

Para sa ibang detalye tungkol sa iWant, i-follow ang official pages nito sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE