News Releases

English | Tagalog

Maki, makulay ang kwento sa "KOLORCOASTER" album

September 25, 2025 AT 12:42 PM

Umarangkada sa iTunes PH at nakasama sa Spotify’s most streamed OPM artists

Sunod-sunod ang achievements ni Maki matapos mapabilang sa Spotify’s most streamed OPM artists at manguna ang debut album niya na “KOLORCOASTER” sa iTunes Philippines.

“We’ve been working nonstop for the last two years. This album might be the most challenging thing I ever did in my life but also the most fulfilling one. God knows how much me and everyone who helped create this project, worked hard and gave pieces of our hearts inside this album, this story, this world. ‘KOLORCOASTER’ is now yours,” saad ni Maki sa kanyang Facebook post.

Bukod sa iTunes PH, nakapasok din ang “KOLORCOASTER” sa iTunes Qatar, UAE, Kuwait, Singapore, Oman. Nasa ika-10 pwesto rin ito sa Spotify Top Album Debut Global at nakapasok sa top 10 albums ng Apple Music Philippines habang lahat ng album tracks nito ay nasa top 200 songs. Kasabay ng album release, umarangkada naman si Maki bilang third most streamed OPM artist sa Spotify Daily Top Artist Philippines.

Naglalaman ng iba’t ibang kulay at kwento ng pag-ibig ang “KOLORCOASTER” na may 10 awitin tampok ang mga bagong kanta na “turning green,” “INDIGO (with u),” “Nangungulila,” “itim na ulap,” “Abelyana,” “ROYGBIV,” at hit songs na “Dilaw,” “Namumula,” “Bughaw,” at “kahel na langit.”

Si Maki mismo ang nagsulat ng album na iprinodyus nina Shadiel Chan, Jovel Rivera, at Nhiko Sabiniano sa tulong nina Jacob Clemente at Tati de Mesa.

Nanguna ang “Abelyana” sa Spotify New Music Friday Philippines habang tampok naman ang “INDIGO (with u)” sa Spotify New Music Friday Singapore, Malaysia, Thailand, Hong Kong, Taiwan, Vietnam, Indonesia, Korea, at Japan.

Dadalhin ni Maki ang makulay na mundo ng album niya sa “KOLORCOASTER” concert na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Nob. 7 (Biyernes). Bibisita rin ang Tarsier Records artist sa Middle East kasama si Yeng Constantino para sa “KOLORCOASTER” tour na magaganap sa Doha, Qatar sa Nob. 14 at Dubai, UAE sa Nob. 16.

Maghahatid saya rin si Maki sa SXSW Festival sa Australia kasama si Angela Ken sa darating na Oktubre.

Sold out na ang patron, lower box, at upper box tickets para sa “KOLORCOASTER” Manila leg habang mabibili pa ang moshpit at gen ad sa ticketnet.com.ph.

Pakinggan ang makulay na kwento ng “KOLORCOASTER” album ni Maki na available sa iba’t ibang streaming platforms at samahan siya sa “KOLORCOASTER” concert na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Nob. 7 (Biyernes). Para sa detalye, sundan ang Tarsier Records sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 6 PHOTOS FROM THIS ARTICLE