“Relapse” EP, naglalaman ng limang alternative-rock anthem
Inilunsad na ng bagong alternative-rock band na BRYN na tubong La Union ang kanilang debut EP na “Relapse.”
Naglalaman ito ng limang kanta kasama ang mga bagong labas na “Pwede Ba?,” Lagi Kang Tama,” “Tangi,” at “Shot Goodbye!” at ang nauna nang inilabas na single na “Pinalit Sa Malapit (PSM).”
Nagsisilbing key track ng EP ang “Tangi” na inspired ng anime na “Your Name.”
“’Tangi’ carries the feeling of a love that exists across distance and time, like souls destined to meet, no matter how far part,” sabi ng banda sa isang social media post.
Alay naman para sa mga umaasa sa pagmamahal ang “Pwede Ba” habang isang kwento ng pinakahuling paalam ang “Shot Goodbye.”
Samantala, tungkol ang “Lagi Kang Tama” sa relasyon na palaging nahaharap sa scoreboard. “It’s about a song that speaks about the battle of right and wrong, where it feels like everything is a scoreboard,” ayon sa isa pang post ng banda.
Mula sa panulat ng bokalista ng banda na si Bryan Kairuz ang mga awitin ng EP na prinodyus naman ni Gabriel Tagadtad sa ilalim ng DNA Music label ng ABS-CBN.
Bukod kay Bryan, kabilang sa banda sina Kevin (lead guitar), Jerico (rhythm guitar), Gio (drums), Bong (keyboard), at Marvin (bass).
Kilalanin ang bandang BRYN sa pamamagitan ng kanilang debut EP na “Relapse.” Para sa karagdagang detalye, sundan ang DNA Music PH sa Facebook, X, Instagram, at YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.