News Releases

English | Tagalog

BGYO, excited na para sa unang solo concert at bagong EP

September 19, 2025 AT 10:27 AM

“Headlines” EP, mapapakinggan simula sa Set. 25 

Handa na ang BGYO members na sina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate para bumida at ipakita ang growth nila bilang artist sa kauna-unahan nilang solo concert na gaganapin sa New Frontier Theater sa Oktubre 4 (Sabado), 7pm.

“Kinakabahan kaming lima kasi first solo concert namin ito pero excited din at the same time to showcase yung natutunan namin through the years at kung sino ang BGYO ngayon,” saad ni JL.

Bago ang concert, ilalabas ng grupo ang bagong extended play (EP) na “Headlines” na mapapakinggan na simula sa Setyembre 25 (Huwebes).

Kabilang dito ang nauna nang nailabas na title track na “Headlines,” ang viral single na “All These Ladies,” at mga bagong kanta na “Dance With Me” at “Aloe Vera.”

“It’s very special to us because it shows how much we’ve grown and how our music evolved. Before we were trying to find our sound and we’re proud with our new releases because it just hits different,” ani Mikki.

Patuloy na gumagawa ng ingay sa global stage ang BGYO matapos makakuha ng nominasyon bilang International Rising Artist sa Breaktudo Awards 2025 sa Brazil. Nagpasiklab din sila sa Summer Sonic Bangkok 2025 kasama ang iba’t ibang international artists tulad nina Alicia Keys, Black Eyed Peas, at Camila Cabello.

Mabibili ang tickets para sa “BGYO: The First Solo Concert” sa ticketnet.com.ph sa halagang P6,000 (SVIP), P5,000 (VIP), P3,500 (orchestra), P1,000 (loge), at P800 (balcony).

Samantala, maglulunsad din ang grupo ng official merchandise na mabibili sa store.abs-cbn.com. Magsisimula ang pre-selling nito sa Set. 22 (Lunes). Ilan sa mga pwedeng mabili ay t-shirt (P1,099), hoodie (P1,699), crossbody bag (P699), 14×14 pillow (P799), at set of photocards (P499)

Samahan ang BGYO sa kanilang unang solo concert na gaganapin sa New Frontier Theater sa Okt. 4 at i-stream ang “Headlines” EP na mapapakinggan sa Set. 25.

Para sa updates, sundan ang @bgyo_ph sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at mag-subscribe sa BGYO Official YouTube channel. 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 6 PHOTOS FROM THIS ARTICLE