Magpapaindak sa key track ng EP na “Dance With Me”
Ang BGYO naman ang nasa spotlight ngayon para ibida ang kanilang musika sa paglunsad nito ng bagong extended play (EP) na “Headlines,” na naglalaman ng apat na kanta na hatid ang evolution at artistry ng Filipino boy group.
Hatid nila Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate ang smooth vocals at masasayang choreography sa mga awiting “All These Ladies, “Aloe Vera,” “Dance With Me,” at title track na “Headlines.”
Nakasentro ang EP sa key track na “Dance With Me” na naglalahad ng pagnanais na magkaroon ng espesyal na connection sa isang tao.
Ang Grammy-nominated artist na si JBach aka Jonathan Bach, Canadian songwriter na si Aaron Paris aka Aaron Cheung, American producer-rapper na si Tommy Brown, at singer-rapper na si Courtlin Jabrae Edwards ang sumulat nito kasama ang Filipino singer na si Khimo Gumatay at BGYO members na sina Mikki at Nate.
Samantala, tungkol naman sa lakas ng pwersa ng pag-ibig ang “Aloe Vera” na mula sa panulat nina singer-songwriter-producer Greg Shilling at Brian Kierulf.
Bago ilunsad ang EP, inilabas ng grupo ang hit single na “All These Ladies” na nagpapahalaga sa kababaihan. Nagsilbing patikim din ng kanilang bagong tunog ang “Headlines” single na tungkol sa karaniwan na nagiging pambihira dahil sa espesyal na ugnayan.
Unang mapapanood ang performance ng BGYO ng apat na awitin sa “BGYO Now: The First Solo Concert,” na gaganapin sa Oktubre 4 (Sabado), 7pm sa New Frontier Theater. Para sa updates, sundan ang @bgyo_ph sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at mag-subscribe sa BGYO Official YouTube channel.