Humanda sa pasabog na performances sa pangunguna ng BINI, Moira, PBB Gen 11 Big 4 at PBB Gen 11 Kapamilya Big 4 ex-housemates ngayong Linggo (Setyembre 28) sa “ASAP.”
Huwag magpapahuli sa energy dahil espesyal ang inihanda ng Nation’s Girl Group na BINI. Samantala, mapapanood din ang fresh duet nina Moira at Johnoy Danao.
Bongga rin ang sayawan na hatid ng PBB Gen 11 Big 4 na sina Fyang Smith, Rain Celmar, Kai Montinola, at Kolette Madelo, kasama ang PBB Celebrity Collab Kapamilya Big 4 na sina Brent Manlo, River Joseph, Esnyrr Ranollo, at Ralph De Leon.
Samahan ang “ASAP” sa pagdiriwang nila ng ika-40 anibersaryo ng The Jetts kasama sina Martin Nievera, Jona, Erik Santos, Angeline Quinto, JM dela Cerna, at Marielle Montellano.
Huwag ding palampasin ang opening number mula kina Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Angeline Quinto, Yeng Constantino, Belle Mariano, Loisa Andalio, Alexa Ilacad, Jameson Blake, Robi Domingo, Emilio Daez, Jeremy Glinoga, Maymay Entrata, Gela Atayde, Ken San Jose, AC Bonifacio, Darren kasama ang G-Force, Mastermind, Legit Status, Axis, at Ignite.
Tuloy-tuloy ang selebrasyon sa pinka-iintay na duet nina Bamboo at Darren, at Gary at Regine. Panoorin din ang matinding dance collab nina Darren, Belle, Maymay, at Inigo Pascual.
Bigatin naman ang performances na dapat panoorin mula kina James Reid at ng Dance Sirens na sina Loisa Andalio, Anji Salvacion, at Chie Filomeno.
Hindi rin magpapahuli ang paboritong ASAP performers na sina Gary, Martin, Ogie, Regine, Zsa Zsa, Erik, at Yeng.
Makakasama rin ngayong linggo bilang hosts sina Robi, Edward, Alexa, at Darren.
Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, “ASAP,” 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.