Isinulat para sa mga iniwan sa ere
Iniwanan ng taong iniibig ang naging daing ng dating “Idol Philippines” season 2 finalist na si Bryan Chong sa bagong awitin na “Ereplano.”
“Naiwan na sa ere. Nawala pa sa plano. Para sa mga pasahero ng pag-ibig, na-cancel po ang flight natin,” saad niya sa isang social media post.
Isinulat ni Bryan ang kanta kasama si Nelvic Poblete na tungkol sa mga nabigong plano at biglaang paglisan ng taong iniibig. Iprinodyus ito ni StarPop label head Roque “Rox” Santos.
Nagsimula ang musical journey ni Bryan nang sumali siya sa unang season ng “The Voice Teens Philippines” noong 2017 at naging bahagi ng grupo ni Sarah Geronimo. Sumabak uli siya sa entablado at naging bahagi ng “Idol PH” season 2 kung saan nakasama siya sa top 5 finalists ng kompetisyon.
Inilunsad ng StarPop artist ang unang single niya na “Pakiusap” taong 2019 na naging nominado sa 12th PMPC Star Awards for Music bilang Male Acoustic Artist of the Year at New Male Recording Artist of the Year. Sinundan niya ito ng iba’t ibang singles tulad ng “Mag-iisa,” “Cut Into Pieces,” “Di Pa Ba Sapat,” at “Marupok.”
Pakinggan ang nakakaantig na mensahe ng “Ereplano” ni Bryan Chong na available sa iba’t ibang platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.