Gyera ni Tanggol, sisiklab sa “FPJ’s Batang Quiapo”
Nawindang ang mga manonood ng “FPJ’s Batang Quiapo” matapos ang tila dayaan na naganap sa kontrobersyal na eleksyon kung saan tumakbo bilang mayor si Tanggol (Coco Martin).
Mukhang nagkadayaan nga sa eleksyon dahil sina Miguelito (Jake Cuenca) at Roberto (Albert Martinez) ang idineklarang panalo kahit lamang sa kanila ang karibal nilang sina Tanggol at Olivia (Chanda Romero) sa naunang bilangan ng boto.
Dahil takot na mawala ang kanilang kapangyarihan sa pagkatalo, inutusan ni Roberto ang mga tauhan niya na gawin ang lahat para maupo sa pwesto ang pamilya Guerrero kapalit ng malaking halaga ng pera.
Ngayong lumalaki ang alitan sa pagitan ng mga Guerrero at Montenegro, mangyayari na ang pinakamalaking gyera sa pagitan ng dalawang pamilya. Susugurin kasi ng mga Guerrero ang mansyon ng mga Montenegro pero hindi nila alam na nakahanda na ang batalyon na mga tauhan sa pangunguna ni Tanggol.
Samantala, naaliw ang netizens sa eksena nina Cherry Pie Picache at Chanda kung saan nakahanda nang ilitson ni Olivia si Marites (Cherry Pie) nang ipasok ito sa oven. Dinukot kasi ni Olivia si Marites bilang ganti niya sa pagbaril ni Marites sa nanay niya.
Sino-sino mula sa pamilya Guerrero at Montenegro ang mamamaalam? Ano na ang plano ni Tanggol matapos matalo sa eleksyon?
Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWant, at Kapamilya Online Live. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Para makakuha ng updates sa “FPJ’s Batang Quiapo,” bisitahin ang batangquiapo.abs-cbn.com. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.